Pinahiram ng Pinay designer ang Miss Grand Angola ng gowns dahil luma ang mga damit nito.
| Image from Miss Grand Angola/TikTok |
Kamakailan lang ay kumalat ang isang TikTok video kung saan makikitang umiiyak ang kandidata mula sa Angola para sa Miss Grand International 2021 na ginaganap sa Thailand.
Naantig ang damdamin ng mga netizens nang makitang umiiyak ang Miss Grand Angola na si Marcia M.A. de Menezes sa isang livestream ng pageant na kalaunan ay ginawang TikTok meme. Sa palagay ng mga pageant fans, umiyak siya dahil walang magagandang gowns tulad ng sa ibang kandidata.
Nabigla ang marami nang isiniwalat ni Marcia sa Instagram na ang isusuot niyang gown sa coronation night na gaganapin sa December 4 ay ang lumang gown ng ina. Dalawampung taon na raw ang damit na iyon.
| Screenshot from TikTok video |
Isa sa mga nakapanood ng TikTok video ay ang Pinay designer na si Zyrill Jane Jacinto na naluha sa awang naramdaman sa kandidata.
“Napaluha po ako nung nakita kong ganun ‘yung sitwasyon ni Miss Angola, kaya agad-agad po ako nag-help,Nalulungkot lang ako kasi hindi ko kaya bilang designer na makakita ng isang lumalaban na malungkot," anang designer sa panayam sa kanya ng Preview.
Si Zyrill din ang sponsor ng attire ni Samantha Panlilio, ang bet ng Pilipinas para sa Miss Grand International.
Nagkataong papunta sa Thailand ang ina ni Samantha kaya doon niya ipinadala ang ipahihiram na gowns kay Miss Grand Angola.
| Image from Zyrill Jane Jacinto's Instagram account |
May tatlong oras lang si Zyrill para i-modify ang mga damit na ipahihiram sa kandidata dahil kinabukasan na ang flight ng ina ni Samantha.
Ani Zyrill , anim na damit ang ipinahiram niya - tatlong dresses, isang long dress at dalawang gowns.
Walang pagsidlan ng tuwa si Miss Grand Angola na agad nagpadala ng mensahe ng pasasalamat sa Pinay designer.
| Screenshot of Miss Grand Angola's message |
“I have no words to express the size of my gratitude. God bless you. Everything I say will not be enough to say thank you. You are special.Thank you so much,” mensahe ni Miss Grand Angola kay Zyrill.
| Image from Zyrill Jane Jacinto's Instagram account |
COMMENTS