Isa nang school owner sa Canada ang dating Pinay yaya sa Hong Kong.
| Image from AGA Academy |
Nagbunga ang pagsisikap ng isang Pinay overseas worker upang marating ang kanyang mga pinapangarap.
Ginawa niyang stepping stone ang pagiging isang nanny o yaya sa Hong Kong upang makarating sa Canada upang doon muling makipagsapalaran. Hindi naman nagtagal ay nagtagumpay siya at nakapagpatayo ng sariling paaralan doon - ang AGA Academy.
Tubong Ilocos si Abby Villanueva at nakapagtapos siya ng education sa Don Mariano Marcos State University sa Ilocos Norte.
Sabi niya dalawang taon siyang naging yaya sa Hong Kong pero sinigurado raw niya na matutulungan siya ng kanyang employer na makarating sa Canada. Hindi naman siya nabigo dahil sinuportahan siya ng amo niyang babae upang makarating doon.
| Screenshot from OMNI Filipino video |
“She hired me. Pero ang purpose ko talaga is to make sure na mabibigyan niya ako ng leverage to improve my life in Canada. So, nag-nanny ako ng two years. After that, sinuportahan nila ako to get my open work permit and then after my permanent residency, nag-start na ako for a nonprofit organization,” sabi niya sa panayam sa kanya ng OMNI Filipino.
Tulad ng maraming OFWs, nakaranas din siya ng mga pagsubok sa Canada. Kinuwestyon pa raw niya ang sarili kung tama ba ang desisyon niyang makipagsapalaran sa napakalamig na bansa.
“Sabi ko, ‘Why did I move here?’”
| Screenshot from OMNI Filipino video |
Sa kabila noon ay hindi siya sumuko kaya naman nasumpungan din niya ang pinapangarap na tagumpay.
Noong nakaraang taon, sa tulong ng dalawang kaibigan ay naitayo niya ang sariling eskwelahan na siya rin ang nagsisilbing presidente.
Kuwento niya, noong simula ang AGA Academy ay may isang estudyante lang at isang staff. Ang staff na iyon ay siya rin daw.
| Image from AGA Academy |
Pero mabilis ang pag-unlad ng paaralan dahil sa loob lang ng labindalawang buwan ay umabot na sa halos 900 ang mga nag-aaral doon.
Ngayong taon, designated bilang learning institution ng Immigration, Refugees, and Citizenship Canada ang AGA Academy kaya maaari na rin itong tumanggap ng mga international students.
May mensahe si Abby Villanueva sa mga taong nais marating ang tagumpay.
“If you fail, who cares. Do it again. Climb up the ladder. Do it again,” payo niya.
| Image from AGA Academy |
COMMENTS