Nash Aguas, disappointed sa mga nag-aakusa na gusto niyang kumita ng pera kaya pumasok sa politika

Nash Aguas, isiniwalat ang tunay na dahilan ng pagsabak sa politika.



Sa isang one-on-one interview sa talent manager-comedian na si Ogie Diaz, naging bukas ang aktor na si Nash Aguas sa pagsagot ng mga katanungan hinggil sa pagpasok niya sa politika.

May mga lumabas kasing ispekulasyon na pinasok umano ng 23-anyos na si Nash ang mundo ng politika dahil sa pera.

Matatandaang nanumpa siya sa Lakas-Christian Muslim Democrats political party noong September 21, 2021 bilang miyembro at naghain ng kanyang kandidatura noong October 7, 2021 para tumakbo bilang konsehal ng Cavite City sa ilalim ng grupo ni Vice Mayor Denver Chua na kandidato sa pagka-alkalde.




Sabi ni Nash, na-disappoint daw siya sa mga nagsasabing pinasok niya ang politika para kumita ng pera dahil wala na siyang shows nang magsara ang ABS-CBN.

Ang tunay umanong dahilan ng pagkandidato niyang councilor ay ang pagnanais na makatulong na mabago ang buhay ng mga kababayan. Tulong na hindi charity o dole out na panandalian lang na tinawag niyang “band aid solution.”

Kung papalaring manalo, ang isusulong daw niya ay ang mga bagay na makasasagot sa mga problema ng mga mamamayan ng Cavite City.

Gusto ko lang ‘yung idea na maayos mo ‘yung problema ng isang siyudad. Like makakaapekto ka ng ibang tao. For me, it’s something na malaking bagay compared sa pag-arte. May tatamaan kang buhay. Gusto kong ma-try kasi gusto kong makagawa ng something bigger than myself. Which is makaapekto ng buhay ng iba, makatulong sa iba. ‘Yung permanently mababago ‘yung buhay nila,” aniya.

Sa mga nagsasabi naman na napakabata pa niya para maging isang politiko, sinabi niyang hindi dapat maging hadlang ang edad para makatulong at makatulong sa kapwa.




“Kailangan kabisado mo ‘yung lugar mo and alam mo ‘yung problema nila. Para mai-take into account mo ‘yung mga bagay na ‘yon sa bawat desisyon sa konseho. Hindi dapat maging hadlang ‘yung age para makatulong ka sa ibang tao,” sabi pa niya.

Hindi rin daw totoo na bored lang siya kaya pumasok sa politics.

Hindi ko pinasok ang pulitika dahil lang na bored ako. At the back of my head nandun na siya ever since. Naging perfect timing lang,” paliwanag ni Nash.

Sa murang edad, marami nang naipundar si Nash para sa kanyang kinabukasan at sa kinabukasan ng magiging pamilya sakaling lumagay na siya sa tahimik.




May nabili siyang farm sa Nueva Ecija na natatamnan ng maraming punong mangga, lote sa Tagaytay at bahay sa Los Angeles, California sa Amerika.

Siya rin ang may-ari ng MuRamen Japanese restaurant na mayroon nang labing-isang branches.

Sigurado raw na hindi maghahalo ang personal interests niya sa politics.

  


 

 

COMMENTS

Name

animals,7,beauty,5,business,2,celebrities,67,celebrity,2,charity,1,clothing,3,current events,38,entertainment,58,environment,1,events,8,fashion,4,Food,20,Food & Travel,3,food and travel,4,government,28,Health,59,Inspiring,57,jobs,1,lifestyle,33,lottery,1,music,2,News,55,OFW,2,Others,144,people,16,pets,2,Philippine Showbiz,4,politics,15,relationship,5,social media,15,sports,1,technology,5,Travel,3,trends,80,wildlife,1,world news,1,
ltr
item
News Presenter: Nash Aguas, disappointed sa mga nag-aakusa na gusto niyang kumita ng pera kaya pumasok sa politika
Nash Aguas, disappointed sa mga nag-aakusa na gusto niyang kumita ng pera kaya pumasok sa politika
Nash Aguas, isiniwalat ang tunay na dahilan ng pagsabak sa politika.
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEjm3ipzBAjaMT-pW4rbChCxozmkzV2mcOs-QxcX12rKcZxgHbAJI_kvvOAe_5ALeUlygGJTSzq1bAI_LrdNVC9oPvrRdxqG_IBubKkgJiLaBAVyhVzyHPvrp-WWSswTaBCPVntT3rVjriVAbGbpmuPnz-X29PW-kd5PYIKOkZBQIfNY62DPxNW5IjTLyw=w640-h360
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEjm3ipzBAjaMT-pW4rbChCxozmkzV2mcOs-QxcX12rKcZxgHbAJI_kvvOAe_5ALeUlygGJTSzq1bAI_LrdNVC9oPvrRdxqG_IBubKkgJiLaBAVyhVzyHPvrp-WWSswTaBCPVntT3rVjriVAbGbpmuPnz-X29PW-kd5PYIKOkZBQIfNY62DPxNW5IjTLyw=s72-w640-c-h360
News Presenter
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/nash-aguas-politics-councilor-money-motivation.html
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/nash-aguas-politics-councilor-money-motivation.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy