Napalitan ng takot ang excitement sana ng isang netizen mula sa natanggap na package na kanilang inorder mula sa isang online shopping platform
Napalitan ng takot ang excitement sana ng isang netizen mula sa natanggap na package na kanilang inorder mula sa isang online shopping platform kamakailan lamang.
Maliban kasi sa natanggap
nilang package, laking-gulat ng netizen nang matagpuan ang hindi lang isa, kung
hindi dalawang ahas sa loob nito.
Kuwento ni AreJhae Libunao sa GMA News, umorder ang kaniyang kapatid ng isang folding bed sa Lazada noong magkaroon ng 11.11 sale.
| Imahe mula sa Facebook/ Are Jhae Libunao |
Habang ginugupit
ang bubble wrap na nakabalot sa item, tumambad sa kanila ang isang maliit na ahas
na kaagad namang nahuli at hindi na hinayaang mabuhay pa.
Subalit hindi pa
pala dito natatapos ang kanilang pagkagulantang dahil noong ang kabilang dulo
naman ang ginugupit ay muling sumulpot ang isa pang ahas at mas malaki ito kumpara
sa una nilang natagpuan.
Mabuti na lamang at napigilan kaagad ito ng kaniyang kasamahan na makaalpas pa. Wala ring napaulat na nasaktan sa nabanggit na insidente.
| Screenshot mula sa Facebook video/ Are Jhae Libunao |
Kaaagad rin
silang nakipag-ugnayan sa pamunuan ng Lazada na agad naman umanong umaksiyon at
inimbestigahan ang pangyayari.
“Lazada is actively working with the relevant parties including our customer to investigate the incident. We are relieved that they are safe, and our priority is that their physical and mental well-being is being looked after,” ayon sa pahayag ng Lazada.
| Screenshot mula sa Facebook/ Are Jhae Libunao |
Ibinahagi rin ni
Libunao sa Facebook ang ilang kuhang larawan at video ng nakatitindig-balahibong
pangyayari.
“Lazada ano to
bakit may ahas na 2 sa loob jusko muntik pa kami ano to freebies, Nakikipag coordinate na po si
Lazada about sa incident,” caption ng kaniyang FB post noong Linggo, Nobyembre
14.
COMMENTS