Panukala ng DILG na "no vax, no ayuda" sa 4Ps beneficiaries mariing tinutulan

Batay sa panukala ng DILG, hindi ibibigay sa 4Ps beneficiaries ang monthly subsidy kung tatanggi sila na magpabakuna kontra Covid-19.



Mariing pagtutol ang sumalubong sa panukala ng Department of Interior and Local Government (DILG) na gawing requirement ang COVID-19 vaccination sa mga mararalitang pamilya na tumatanggap ng financial assistance sa gobyerno sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Kabilang sa nagpahayag ng kanilang oposisyon sa panukala ang ilang mga senador, isang congressman, ang kampo ni Vice President Leni Robredo at maging ang Commission on Human Rights (CHR).

Batay sa panukala ng DILG, hindi ibibigay sa 4Ps beneficiaries ang monthly subsidy na nakalaan sa kanila kung tatanggi ang mga ito na magpabakuna kontra sa COVID-19.

Sa isang radio interview, sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline Ann De Guia na ang sapilitang pagpapabakuna ay posible lang sa ilang kondisyon upang matiyak na walang karapatang pantao ang malalabag.




Aniya, ang mandatory vaccination ay isang komplikadong usapin.

Iginiit niya na ang pagpapabakuna ay dapat boluntaryo hangga’t hindi pa natitiyak ng pamahalaan na ang COVID-19 vaccines ay available, accessible, at may sapat na bilang dahill kung hindi ay magsasanhi lang daw ito ng diskriminasyon.

Sabi pa ni De Guia, bagaman at maaari namang suspendihin ng gobyerno ang ilang karapatan kapag mayroong public emergency at sa limitadong panahon lang, ang mandatory vaccination ay mangangailangan umano ng batas.




Tinawag naman ni AnaKalusugan Representative Michael Defensor ang panukala ng DILG na oppressive at anti-poor. Hindi raw iyon katanggap-tanggap.

Mas mahihirapan umano ang mga mararalitang pamilya kabilang na ang mga batang miyembro nito kung hindi ibibigay sa kanila ang cash subsidies.

Sa halip umano na parusahan ang mga beneficiaries ng 4Ps, dapat daw gumawa ng paraan ang pamahalaan upang maging mas accessible sa publiko ang COVID-19 vaccination services.

Sinabi naman ni Senator Franklin Drilon na talaga namang hindi katanggap-tanggap, hindi makatao at kawalan ng puso ang panukalang “no vax, no subsidy.”

Nasasaktan umano siya na ang gobyerno ay walang ibang ipinakita kundi ang pagbabalewala sa vulnerable sector ng ating lipunan. Ipnakikita lang daw ng panukala na hindi nalalaman ng DILG ang tunay na kalagayan ng mga mahihirap.



Nagbigay naman ng suhestiyon si presidential candidate Senator Panfilo Lacson kung paano mahihikayat na magpabakuna ang mga tao.

Aniya, sa halip na parusahan ang mga tao, dapat daw mag-alok ang gobyerno ng mga incentives upang maingganyo ang lahat na magpabakuna.

Sinang-ayunan ni Senator Francis Pangilinan ang suhestyon ni Sen. Lacson.

Hindi raw solusyon na kunin sa mahihirap ang pera na pambili nila ng pagkain.

Sinabi naman ni Senator Risa Hontiveros na wala namang probisyon sa 4Ps law na nagsasabing ang mga beneficiaries ay required magpabakuna.

Nagpahayag din ng pagtutol ang kampo ni VP Robredo.



Ayon sa kanyang tagapagsalita na si Ibarra Gutierrez, naniniwala raw ang bise presidente na hindi dapat pinupuwersa o tinatakot ang mga tao para lang magpabakuna.

 

COMMENTS

Name

animals,7,beauty,5,business,2,celebrities,67,celebrity,2,charity,1,clothing,3,current events,38,entertainment,58,environment,1,events,8,fashion,4,Food,20,Food & Travel,3,food and travel,4,government,28,Health,59,Inspiring,57,jobs,1,lifestyle,33,lottery,1,music,2,News,55,OFW,2,Others,144,people,16,pets,2,Philippine Showbiz,4,politics,15,relationship,5,social media,15,sports,1,technology,5,Travel,3,trends,80,wildlife,1,world news,1,
ltr
item
News Presenter: Panukala ng DILG na "no vax, no ayuda" sa 4Ps beneficiaries mariing tinutulan
Panukala ng DILG na "no vax, no ayuda" sa 4Ps beneficiaries mariing tinutulan
Batay sa panukala ng DILG, hindi ibibigay sa 4Ps beneficiaries ang monthly subsidy kung tatanggi sila na magpabakuna kontra Covid-19.
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEglvWnm7dvLO9urAYIS7ahk67qHbLM-AxeOdD_ue3DK5sFn_OvkTJ-bbmh9FhI1AckzE-hHeGeOzrOIxgEi7UCseOfqMlBAsrhcqruLezCDrFGxEVFJTP5nWT_T9a7QbRwuerJ_Fpv8lCqb-gq6NcnAyogAT3Hlfb2Xe6_MmGwELidnK_baZSduh7dFjQ=s16000
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEglvWnm7dvLO9urAYIS7ahk67qHbLM-AxeOdD_ue3DK5sFn_OvkTJ-bbmh9FhI1AckzE-hHeGeOzrOIxgEi7UCseOfqMlBAsrhcqruLezCDrFGxEVFJTP5nWT_T9a7QbRwuerJ_Fpv8lCqb-gq6NcnAyogAT3Hlfb2Xe6_MmGwELidnK_baZSduh7dFjQ=s72-c
News Presenter
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/no-vax-no-ayuda-4Ps-beneficiaries.html
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/no-vax-no-ayuda-4Ps-beneficiaries.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy