Age is just a number: 77-year-old lolo minamani ang mga bike stunts

Kinagigiliwan ang isang lolo na gumagawa ng bike stunts sa edad na 77.

Image from lolo Conrado Magcalas' Facebook account

Kinagigiliwan ngayon ang isang 77-anyos na lolo matapos kumalat sa social media ang mga larawan niya na gumagawa ng sari-saring bike stunts.

Pinatunayan ni lolo Conrado Magcalas ang palasak na kasabihan na “age is just a number,” na ang ibig pakahulugan ay anuman ang iyong edad, bata man o matanda, ito ay hindi balakid upang gawin ang mga bagay na nais mong gawin.

Kamakailan lang ay namataan siya ng Inquirer habang nasa isang open space sa Navotas na gumagawa ng mga mapangahas na bike tricks na talaga namang nakamamangha lalo na sa kanyang edad.

Habang ginagawa ang mga stunts ay mababakas sa mga ngiti ni lolo Conrado na nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa at sa mga atensyong ibinibigay sa kanya ng mga taong napapahanga niya.

Image from lolo Conrado Magcalas' Facebook account

Ayon sa apo niyang si Harold Drueco, masaya ang lolo niya na napapansin ng mga tao ang ginagawa niyang stunts. May mga kasamahan nga raw ang lolo niya na gumagawa rin noon ng bike stunts na nakararamdam ng panghihinayang dahil hindi na sila kasama ni lolo Conrado sa atensyong nakukuha nito.

“Masaya po siya na napapansin po yung mga gaya niya. At the same time, nanghihinayang kasi yung mga kasama niya dati na nag-stunt din, e, di na niya kasama sa atensiyong nakukuha niya ngayon, sabi ni Harold.

Image from lolo Conrado Magcalas' Facebook account

Wala umanong bisyo si lolo Conrado kaya malakas pa ang kanyang pangangatawan. Bata pa raw ito ay hilig na ang pagbibisikleta. Sa katunayan, ang pagbibiskleta ay parte raw ng hanapbuhay niya noon.

Sinabi pa ni Harold na ang mga bike tricks na ginagawa ngayon ng kanyang lolo ay simple lang. Kaya pa raw ng lolo niya na gumawa ng mga mas mapangahas na stunts pero binabawalan nila para na rin sa seguridad ng kalusugan ng matanda.

“Before po hindi, pero ngayon po na medyo may edad na, e, hindi na po namin pinapayagan gawin 'yung mga stunt na mahihirap. Baka po kasi mapano and dahil na din sa edad, e, mabilis na rin siya mahapo, aniya.

Sabi pa ni Harold, ipinakikita raw sa kanya ni lolo Conrado na ang edad ay hindi balakid para magawa mo ang mga bagay na gusto mong gawin.

Image from lolo Conrado Magcalas' Facebook account


 

COMMENTS

Name

animals,7,beauty,5,business,2,celebrities,67,celebrity,2,charity,1,clothing,3,current events,38,entertainment,58,environment,1,events,8,fashion,4,Food,20,Food & Travel,3,food and travel,4,government,28,Health,59,Inspiring,57,jobs,1,lifestyle,33,lottery,1,music,2,News,55,OFW,2,Others,144,people,16,pets,2,Philippine Showbiz,4,politics,15,relationship,5,social media,15,sports,1,technology,5,Travel,3,trends,80,wildlife,1,world news,1,
ltr
item
News Presenter: Age is just a number: 77-year-old lolo minamani ang mga bike stunts
Age is just a number: 77-year-old lolo minamani ang mga bike stunts
Kinagigiliwan ang isang lolo na gumagawa ng bike stunts sa edad na 77.
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEj6tXV18L9uVIanx4-8AJP0_Zg9sl8G2Xf5b-qp8wX4dd-W2-9P0_VnvIhJ6MZiVkhqdWhXbWB5rjIShV-EnVChJd_TP1nN7JCs2zdzJ0X-yqYKg-3_kMCzKg9crFOJ_EzUSDOck_bT51yotycnOY2eI2ylF3XHzjoOHr3y0nM73Ur9UvW0s_7qusl8cw=w548-h411
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEj6tXV18L9uVIanx4-8AJP0_Zg9sl8G2Xf5b-qp8wX4dd-W2-9P0_VnvIhJ6MZiVkhqdWhXbWB5rjIShV-EnVChJd_TP1nN7JCs2zdzJ0X-yqYKg-3_kMCzKg9crFOJ_EzUSDOck_bT51yotycnOY2eI2ylF3XHzjoOHr3y0nM73Ur9UvW0s_7qusl8cw=s72-w548-c-h411
News Presenter
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/old-man-bike-stunts.html
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/old-man-bike-stunts.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy