Nakababahala na talaga ngayon ang modus ng mga scammer dahil maging ang OVP mismo ay hindi na pinaligtas.
Ibinahagi ni
Office of the Vice President (OVP) spokesman Atty. Barry Guttierez nitong
Lunes, Nobyembre 22, na nabiktima ang kanilang opisina ng pekeng order na
nagkakahalaga ng nasa mahigit P100,000.
Ayon sa lumabas na mga ulat, isang nagpanggap na si VP Robredo ang gumawa ng multiple cash-on-delivery orders ng sari-saring grocery items mula sa MetroMart at ipinadeliver ito sa address ng OVP sa Quezon City.
| Atty. Barry Guttierez| Imahe mula sa Facebook |
Ani Guttierez,
nakuha na nila ang phone number ng umorder at ipinasisiyasat na ito.
"There has
been some initial consultation with our lawyers, but specific options will be
discussed once we get more information on who may be responsible," ayon kay Guttierrez.
Ibinahagi pa ni Guttierez sa Twitter ang screenshot ng isang order na nagkakahalaga ng mahigit P16,000.
| Screenshot mula sa Twitter |
“May nagpanggap
na si VP Leni at nag-multiple orders ng abot P100K+ sa Metromart. Pinadeliver
sa OVP na COD. Hindi na inisip ang mga delivery rider na hinassle at inaksaya
ang oras,” caption ng larawan ng tagapagsalita ni Robredo.
Kaugnay nito,
naglabas na rin ng pahayag ang MetroMart at umapela sa publiko na tigilan na
ang pang-i-scam ng mga kapwa-Pilipino dahil maraming tao ang naaapektuhan tulad
ng mga delivery riders.
“We are calling
on the public not to scam, prank and waste the time of our delivery riders and
shoppers who are working hard to support their families and are risking their
lives to safely deliver groceries to Filipino homes during this pandemic,” ayon
sa pahayag ng online shopping platform sa kanilang Facebook page.
| Imahe mula sa Facebook| MetroMart Philippines |
Tiniyak din ng MetroMart na naibalik na sa kanilang mga partner supermarkets at stores ang mga inorder na
groceries at hindi na na-charge pa ang mga riders.
Nakikipag-ugnayan
na rin umano sila sa OVP upang siyasatin ang pangyayari para hindi na ito
maulit pa sa hinaharap.
COMMENTS