Si Paolo Contis at Yen Santos nga ba ang magkasama sa isang birthday dinner?
| Image from Yen Santos |
Si Paolo Contis at Yen Santos nga ba ang magkasama sa isang napakaromantikong dinner date kamakailan lang?
Hinala ng mga mahihilig sa mga latest chika, sila nga ang magkasama base na rin sa Instagram posts nila.
Nag-post si Paolo ng selfie niya sa Instagram Stories noong November 20, 2021. Makikita ang cake emojis sa kanyang larawan at ang mga katagang “dinner time.” Hindi agad mapapansin sa post niya na naka-tag si Yen Santos dahil naka-camouflage iyon.
Kailangan pang i-click ang colored background sa ibabang bahagi ng post ng aktor upang makita na naka-tag nga ang aktres na napapabalitang ang bagong pag-ibig ni Paolo.
| Image from Paolo Contis |
Sa hiwalay na social media post noon ding November 20 na araw ng kanyang ika-29 na kapanganakan, ibinahagi ni Yen Santos ang isang larawan ng dinner table for two set up sa isang events place. Mababasa sa larawan ang mga katagang “birthday dinner.”
Hindi naka-tag si Paolo sa post niya pero kapansin-pansin na ang kulay puting kurtina at mga ilaw sa background ng selfie ng aktor ay kapareho ng kurtina at ilaw sa larawang ibinahagi ni Yen.
| Right image from Paolo Contis/Left image fromYen Santos |
Bago pa sumapit ang kaarawan niya, nauna nang nag-post sa Instagran Stories si Yen ng larawan ng bouquet ng tulips.
“Woke up to these beautiful tulips,” post ng aktres.
Noon namang November 15, 2021 ay nag-post si Paolo ng “Pssst….good morning” selfie at naka-tag din si Yen.
Dahil sa sunud-sunod na paramdam nila ay lalong lumalalakas ang hinala ng mga netizens na mayroon ngang “something” na namamagitan sa dalawa na higit pa sa pagiging magkaibigan.
Matatandaan noon na nakita silang magkasama sa Baguio at sa Manaoag Churdh sa Pangasinan. Ayon sa aktor, kaibigan niya si Yen.
Ang dalawa ay magkapareha sa Netflix Film na “A Faraway Land.”
| Image from Netflix |
Si Yen Santos ang itinuturo ng mga netizens na third party sa hiwalayan nina Paolo at LJ Reyes.
Mariin itong pinabulaanan ng aktor at nakiusap na huwag idamay si Yen dahil wala umano itong kinalaman sa break-up nila ni LJ.
COMMENTS