Malapit nang ilunsad ang Win-A-Billion lotto game ng PCSO
Gusto n’yo bang maging instant bilyonaryo? Huwag nang mainip dahil hindi na magtatagal ay mailulunsad na ang kauna-unahang P1-billion lotto jackpot game ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ito ay sa sandaling makakuha na ng go signal ang proyekto mula sa government regulators.
Sa isang panayam, sinabi ng private proponent ng billion-peso lotto jackpot game Mobile Business Integration Leisure & Entertainment Systems, Inc. (MobileSys) na hinihintay na lang nito ang approval ng Government Procurement Policy Board (GPPB).
Ang bagong lotto game ay isa umanong game changer hindi lang para sa PCSO kundi para sa mga mananaya rin.
| MobileSys President Alejandro Alonte |
“As far as we are concerned, this game will definitely generate a lot of funds for PCSO and therefore can help more people. Our objective basically is to help PCSO generate more funds,” pahayag ng MobileSys president na si Alejandro Alonte.
Aniya, online ang paglalaro ng Win-A-Billion Lotto upang maging mas accessible at convenient para sa mga mananaya.
Dahil internet-based ang teknolohiyang gagamitin ay mas malawak ang coverage ng laro. Wala rin daw gagastusin ang PCSO sa bagong lotto game na ito.
“The technology that we will use here is internet-based. The advantage is that it will have a wider reach, so even in the far flung areas, we can be there. Unlike in all their other games right now, PCSO spends for marketing, operations, prizes. But our proposal is different, every expense will be ours - marketing, promotions, sales and over P1 billion prizes,” ani Alonte.
| PCSO Lotto outlet |
Sabi pa niya, bukod sa one billion jackpot prize, maaari ring manalo ng P50 million, P22.5 million at mga minor prizes na P5,000, P3,000, P250 at P150.
Ang minimum bet para sa laro ay P100.
Ganito ang game mechanics:
Ang player ay pipili ng anim na numero - 5 numbers mula 1 hanggang 69 at isang Win-a Billion number mula 1 hanggang 26. Kapag nahulaan ang six numbers ay mapapanalunan ang jackpot prize. P50 million naman ang premyo sa makakahula ang limang numero.
Ipinahayag naman ni PCSO General Manager Royina Garma na maglalabas sila ng mga detalye kapag nakuha na ang approval mula sa GPPB.
| PCSO GM Royina Garma |
COMMENTS