Naghain ng petisyon ang isang babae na nagpakilalang asawa ni Raffy Tulfo na ibasura ng Comelec ang COC niya sa pagka-senador.
| Image from PH Newspaper |
Nais ng isang babae na nagsasabing asawa siya ni Raffy Tulfo na kanselahin ng Commission on Elections (Comelec) ang Certificate of Candidacy (COC) ng beteranong mamamahayag.
Sa isang online press briefing, sinabi ni Comelec spokesperson na si James Jimenez na isang babae na nagngangalang Julieta Licup Pearson ang naghain ng petition sa pamamagitan ng abogado nito noong October 25, 2021.
Sa naturang petisyon, sinabi ni Pearson na hindi totoo ang isinaad ni Raffy Tulfo sa kanyang COC na kasal siya kay ACT-CIS Partylist Representative Jocelyn Tulfo.
Wika pa ng petitioner, kasal pa rin sa kanya ang mamamahayag dahil hindi naman umano na-dissolve ang kanila kasal na naganap noong October 25, 1982 sa Capaz, Tarlac. Wala rin umanong petisyon na inihain upang ipawalang-bisa ang kasal nila.
| Screenshot from Raffy Tulfo in Action video |
"This misrepresentation in his certificate of candidacy was done by him fully aware that he is not legally married to his declared wife in the COC, Jocelyn Pua Tulfo,” saad ng petisyon.
Binanggit din sa naturang petisyon ang bigamy case laban kay Raffy Tulfo na inihain sa Office of the Prosecutor sa Quezon City noong 2019 na kasalukuyan daw na nirerepaso ng Department of Justice.
“Tulfo did not also indicate the bigamy case filed against him in his COC, when such information is vital for voters to be able to have an informed decision on whom to vote in the coming polls,” ayon pa sa petisyon ni Ginang Pearson.
| Screenshot from Raffy Tulfo in Action video |
Noong 2019, naglabas ng statement si Raffy Tulfo tungkol sa nasabing kaso na isinampa laban sa kanya. Isa raw iyong pangingikil. Humihingi umano sa kanya ng napakalaking halaga si Pearson. Noong una ay P25,000,000 at kalaunan ay naging P100 million na.
Inamin ng mamamahayag na may naging anak na babae sila ni Pearson.
Si Raffy Tulfo ang kasalukuyang nangunguna sa mga senatorial bets na napipisil ng mga tao na iboto, ayon sa survey ng Social Weather Station at ng Pulse Asia.
| Screenshot mula sa Aksyon Tanghali video |
COMMENTS