Ang mga paruparo na biglaang dumarating sa bahay o lumalapit sa tao ay kaluluwa umano ng mga yumaong mahal sa buhay?
Hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga naniniwala sa misteryong iniuugnay sa mga paruparo at madalas napag-uusapan pa rin ng maraming Pilipino, katulad na lamang ng palitan ng kumento sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon.
Pabiro kasing sinabi ng admin na kapag may nakikitang paruparo ay iniisip na ng ibang Pinoy na ito ay kaluluwa ng isang mahal sa buhay na wala na sa atin.
"Yes, I believe that butterfly is a sign na may kamag-anak o isang mahal sa buhay na pumanaw na," pagsang-ayon ng Facebook user na si CL.
"Parang totoo ito kasi 'pag may namatay na hindi mo pa alam, una mong makikita paruparo tapos may magbabalita na wala na si ganoon," sabi naman ni L R.
Samantala, marami rin ang nagsabi na hindi lang naman sa kaluluwa naiuugnay ang paruparo. Wika nila, may iba't ibang kahulugan ang paruparong bumibisita sa mga tahanan o sa tao at nakadepende raw sa kulay ang ibig sabihin nito sa buhay mo.
COMMENTS