Isang Pinoy expatriate sa UAE ang naging instant multi-millionaire matapos itong manalo ng AED 10-M.
Isang mapalad na Pinoy expatriate sa United Arab Emirates (UAE) ang naging instant multi-millionaire matapos itong manalo sa isang draw sa Fujairah kamakailan lamang.
Kinilala sa ulat ng Gulf News ang masuwerteng
OFW na si Paterio, 52 anyos at taga-Laguna. Siya ay nagtatrabaho bilang materials
contract supervisor sa isang oil and gas company sa nasabing emirates ng UAE.
Napanalunan ni Paterio ang premyong 10 milyong dirhams na nagkakahalaga ng mahigit sa P 136-million mula sa lingguhang draw ng Mahzooz.
| Screenshot mula sa Gulf News video |
Labis-labis naman ang pasasalamat ni
Paterio sa kaniyang malaking napanalunan bagama’t inaming hindi na niya
matandaan ang numerong kaniyang tinayaan sa draw.
“I definitely did not think the numbers
would win me Dh10 million,” bahagi ng Pinoy expat sa panayam ng Gulf News.
Mahigit isang taon na rin umano siyang hindi nakauuwi ng Pilipinas at ‘di nakikita ang pamilya dahil sa COVID-19 restrictions na pinaiiral sa UAE at sa Pilipinas.
| Imahe mula sa Speedraftaar |
Si Paterio ay may dalawang anak na edad 23
at 18 anyos. Ang kaniyang bunso ay mayroong cerebral palsy kaya napakalaking
bagay para sa kanila ang perang napanalunan dahil maipagagamot na nila ang
kaniyang anak.
“It’s God's blessing that I have won such a
big amount," ayon pa sa OFW. "This is a life-changing moment for my
family."
Bukod sa pagpapagamot sa kaniyang bunso,
maglalaaan din si Paterio ng pera para naman sa pag-aaral ng kaniyang panganay na
kasalukuyang kumukuha ng kursong dentistry.
| Screenshot mula sa Gulf News video |
Nasa tatlong taon nang nagtatrabaho sa UAE si
Paterio at plano niya ring mag-invest ng bahagi ng kaniyang napanalunan sa
nabanggit na Gulf country.
“The UAE has been my safe zone during the pandemic. The country takes care of its residents so well. Winning such a big amount makes me want to invest here in the UAE in order to secure my future and that of my family,” wika ng OFW.
COMMENTS