Isa ang kutsinta sa mga kakaning hindi pinagsasawaang kainin ng mga Pilipino.
Isa ang kutsinta sa mga kakaning hindi pinagsasawaang kainin ng mga Pilipino. Sa almusal man o kahit anong oras pa iyan, may niyog man o wala, ang pagpili sa pagkaing ito ay tiyak na hindi pagsisisihan.
Hindi lamang sa taho maaaring ipares ang kutsinta; maaari rin itong gawing meryenda, masarap isabay sa kuwentuhan ng magkakaibigan, o isama sa simpleng "foodtrip" mo habang nanonood ng TV, nagbabasa, o anuman ang iyong ginagawa nang mag-isa.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, natakam ang marami sa litrato ng kutsinta na ibinahagi ng page admin. Anila, bukod sa masarap nitong lasa, may ibinabalik din daw itong mga alaala.
"Iyan ang inaabangan ko roon sa daanan tuwing umaga! Siyempre, habang hinihintay binibilang ko muna ang mga tigpipiso kong barya," pagbabalik-tanaw ni J. Tweentysix.
"Ang sarap, ano?" ani N. Pascual. "Ang sarap naman! Lalo na kapag makunat at mayroon kang iniinom na mainit na kape! Solved na ang meryenda, hindi ba?"
COMMENTS