Inendorso ni Pangulong Duterte sa mga mambabatas ang Bong-Sara tandem para sa May 2022 elections.
| Composite image of Bong-Sara and Bongbong-Sara |
Sa halip na Bongbong-Sara, ang Bong-Sara tandem ang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang hapunang inihanda niya sa Malacañang para sa mga mambabatas mula sa iba’t ibang political parties noong Martes, November 16.
Alas-tres ng hapon ay nag-adjourn na ang House of Representatives upang makadalo ang mga imbitadong kongresista sa imbitasyon ng Pangulo. Dakong alas-kwatro ay sumailaim sila sa rapid testing at pagsagot ng mga questionnaires. Alas-siyete na ng gabi nagsimula ang hapunan na natapos dakong alas-nuwebe ng gabi.
| Image from Senator Bong Go |
Ayon sa acting presidential spokesperson na si Karlo Nograles, ang hapunan ay isang “informal at relaxed” na pagtitipon. Karamihan umano sa mga dumalo ay kaibigan ng Pangulo kahit noong siya ay alkalde pa ng Davao City.
Isang oportunidad umano iyon para kay Pangulong Duterte na muling makasalamuha ang mga kaibigan na matagal nang hindi nakita dahil sa mga restriksyon kaugnay ng pandemya. Sa inaasahang pagluluwag pa ng mga restriksyon ay asahan na raw ang ganitong pakikipag-ugnayang muli ng Pangulo sa mga kaibigan.
Bagama’t wala raw “political agenda” sa naturang hapunan, hiniling ng Pangulo sa mga kongresistang naroroon na suportahan ang kandidatura ni Senator Bong Go bilang presidente at Davao City mayor Sara Duterte-Carpio bilang vice president sa darating na halalan.
| Image from Malacañang |
Sa maikli niyang talumpati, walang anumang nabanggit ang Pangulo tungkol sa kandidatura niya sa pagka-senador.
Ang endorsement ng Pangulo sa Bong-Sara tandem at hindi Bongbong-Sara para sa May 2022 national elections ay kinumpirma ni Diwa Partylist Representative Michael Aglipay.
“Si Pangulo ay mabilis lang nagsalita na ang ine-endorse...Bong Go-Sara Duterte tandem. Pero never niya minention iyong Senate plan niya, e. Ang nag-mention nun si Senator Bong Go at saka si Speaker and the rest,” sambit ng mambabatas.
Ang endorsement ni Pangulong Duterte ng Bong Go-Sara Duterte-Carpio tandem ay kasunod ng kumpirmasyong ginawa ni Inday Sara at Bongbong Marcos tungkol sa kanilang tandem para sa darating na eleksyon.
| Image from Mayor Inday Sara Duterte's Facebook account |
Si Mayor Inday Sara ay vice presidential candidate sa ilalim ng Lakas-CMD political party, kung saan siya na ang hinirang na bagong chairman, samantang si Bongbong Maros ay presidential candidate ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
In-adopt ng PFP si Mayor Inday Sara bilang vice presidential candidate ng partido.
COMMENTS