Ang omicron variant ay resulta ng pang-uusig sa kanya, ayon kay Pastor Quiboloy.
| Screenshot from Apollo Quiboloy's YouTube video |
Nagbabala si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ sa publiko na itigil na ang pang-uusig at paninira sa kanya dahil kung hindi ay mas grabe pa sa pandemya ang sasapitin ng mga tao.
Ang pag-uusig na binanggit ng pastor ay nag-ugat nang isakdal siya ng US government dahil sa isang bagay na mariin niyang itinatanggi.
Sa kanyang mensahe sa mga followers na ni-livestream sa YouTube, sinabi ni Pastor Quiboloy na ang paglitaw ng omicron variant, na sinasabing mas mabagsik pa sa Delta variant ng Sars-Cov2 virus, ay resulta ng mga pang-uusig sa kanya.
Aniya, kung paano raw husgahan ng tao ang “appointed son of God” na ang tinutukoy ay ang sarili niya, ay ganoon din sila huhusgahan ng Diyos.
| Image from Where in Bacolod |
“I told you, I'm telling you the truth, the day of the Lord is here. Do not ever ever play a joke or continue to pursue the prosecution of the appointed son because the father in heaven has already declared through the appointed son, no one can escape this. The way you treated the appointed son here, is the way this world is going to receive its judgment," babala ng pastor.
Matitigil lang umano ang pandemya kung iuurong ng US government ang mga paratang sa kanya.
Sa Pilipinas ay may mga isinampang reklamo sa kanya na kahalintulad ng isinampa sa Amerika subalit ang mga iyon ay nabasura lang dahil umano sa kakulangan ng matibay na ebidensya.
| Image from SMNI |
Samantala, sinabi ng Department of Justice na wala pang extradition request ang US government para makuha si Pastor Quiboloy upang humarap sa paglilitis.
Nangako naman si Pangulong Rodrigo Duterte, na isang malapit na kaibigan ng pastor, na susundin niya ang umiiral na batas sakaling maghain ng extradition request ang US government.
| Image from SMNI |
“As a lawyer and as a former prosecutor, and the Chief Executive of the country, he will execute the laws accordingly,” pahayag ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles.
COMMENTS