Ibinahagi ng BGC na ang kanilang komunidad ay isang “quiet zone” mula 8 PM hanggang 8 AM araw-araw.
Naglabas ng isang advisory ang Bonifacio Global City (BGC) upang paalalahanan ang lahat ng mga vehicle owners na ugaliin ang respeto sa lahat ng oras.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng BGC na ang kanilang komunidad ay isang “quiet zone” mula alas-otso ng gabi hanggang alas-otso kinaumagahan araw-araw.
Mahalaga umano sa lahat ng BGCitizens ang tulog at pahinga.
Ang advisory ay nag-ugat sa maraming reklamo kontra sa mga dumaraang sasakyang na may maiingay na tambutso. Mapa-motorsiklo man o kotse.
“Rest and sleep are essential to every #BGCitizen. A gentle reminder to all vehicle owners, two or four-wheeled, to practice respect at all times. BGC is home to about 20,000 families. We are a quiet zone from 8PM to 8AM daily,” saad sa FB post ng BGC.
Ikinatuwa ng mga residente ang advisory. Sana nga raw ay istriktong maipatupad ang “quiet hours” sa kanilang lugar.
Narito ang ilang komento ng mga residente na natuwa sa advisory:
“Would love to see this put into practice. BGC has the capability to lead the way in traffic management and discipline even beyond Subic. Enough warnings and tickets, start clamping and towing.”
“I hope this one will get strongly implemented. It is so annoying when muscle cars or motorcycles are just revving up their engines when people are already asleep… like 1 AM.”
“Appreciate the public awareness message. Thank you BGC for noticing it and spreading awareness …revving engines are indeed a problem.”
May isang residente naman na nanawagan sa mga BGC Marshalls na paigtingin nila ang kanilang pagpapatupad ng pananatili ng quiet hours sa kanilang komunidad. Wika niya, kahit nasa mataas na palapag ng gusali sila nakatira ay dinig pa rin ang mga maiingay na makina ng mga sasakyan.
“To all BGC Marshalls, please do your job in keeping the area quiet especially at nignt. We live on a higher floor yet we still hear cars revving up their engines. Super annoying!”
COMMENTS