Pinaghahandaan na ni Rabiya Mateo ang pagsabak sa isang action TV series.
| Image from Rabiya Mateo's Instagram account |
Isang certified Kapuso na nga ang 2020 Miss Universe-Philippines na si Rabiya Mateo matapos siyang i-welcome ng GMA Network bilang pinakabagong Kapuso star.
Una na siyang napanood sa Halloween Special ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong October 31, 2021. Muli siyang napasabak sa pag-arte sa isang episode ng “Wish Ko Lang” na hosted ni Vicky Morales na mapapanood na sa Sabado, ika-27 ng Nobyembre.
Nakatakda rin siyang lumabas sa una niyang TV series kung saan tiyak na sasabak siya sa mga eksenang maaaksyon kasama ni Senator Bong Revilla at Sanya Lopez sa “Alamat ng Agila Book 2” na ang lock-in taping diumano ay sinimulan na.
| Image from Hataw |
Ayon kay Rabiya, bilang paghahanda sa magiging eksena ng kanyang karakter sa bagong TV series ay nag-enroll siya sa isang gym upang mag-aral ng boxing.
“Nagpapasalamat talaga ako kasi malaki talaga ang tiwalang binigay sa ‘kin ng team ng GMA para ibigay ‘tong role na ‘to sa ‘kin at gagawin ko po ‘yung lahat. Actually, I’ve been training na po with boxing. Nagdyi-gym ako everyday para paghandaan talaga ‘yung role,” excited na sabi ni Rabiya.
Sa ginawang story conference ay nakahalubilo na niya ang malalaking artista na makakasama niya sa serye.
“Nilatag na ‘yung kuwento. Full of twists and turns and na-e-excite din po ‘ko na makatrabaho ‘yung mga beterano na sa field na ‘to kasi marami talaga akong matututunan,” kuwento pa niya.
| Image from Rabiya Mateo's Instagram account |
Sabi pa ng beauty queen, sobrang excitement daw ang naramdaman niya nang unang inialok sa kanya ang role.
“To be honest, at first, nu’ng in-offer nila ‘yung role, I was on cloud nine for several days because it’s a big role, eh. It’s a leading actress kind of role. For somebody like me na ‘di pa dalubhasa when it comes to acting, they saw something in you, ‘yun ang inisip ko kaya honored po talaga ako. I made a promise to myself na gagalingan ko. Not just having workshops in acting, but also trying to have that figure…I enrolled myself in boxing din para at least reading-ready tayo when we’re doing the fight scenes,” aniya.
| Image from Rabiya Mateo's Instagram account |
Kuwento pa niya, bata pa siya ay pangarap na niyang mag-artista. Madalas nga raw ay humaharap siya sa salamin at ginagaya ang mga acting ng mga artista, pero hindi raw ‘yung bida ang ginagaya niya kundi ang kontrabida.
COMMENTS