May tanging hiling si Rey "PJ" Abellana para sa anak na si Carla at manugang na si Tom Rodriguez.
May tanging hiling si Rey "PJ" Abellana para sa bagong kasal niyang anak na si Carla at asawa nitong si Tom Rodriguez.
Matatandaang noong October 23, 2021 ay maayos na nairaos ang kasal nina Carla at Tom kaya naman nakahinga na nang maluwag ang ama ng aktres na si PJ.
Ito ay sa kabila ng mga hindi inaasahan at biglaang pagbabago ilang araw bago ang mismong kasalan.
Sa isang virtual conference para sa parating na GMA Primetime series na “I left my heart In Sorsogon,” nabanggit ni PJ ang mga naging aberya sa kasalan sanhi ng mga restriksyong ipinatupad kaugnay ng pandemya.
Sabi niya, biglaang nalipat ang venue ng pagdarausan ng kasal at ng reception.
Sa Madre De Dios Chapel sa Tagaytay Highlands sa Talisay, Batangas ang orihinal na venue ng seremonya, pero dahil sa hindi inaasahang restriksyon na ipinatupad ay kinailangan nilang maghanap ng bagong simbahan.
Ani PJ, sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas na idinaos ang kasalan at doon na rin sa naturang bayan sila naghanap ng reception venue.
“But in spite of everything, the wedding went very smoothly. It was successful. All of us were happy and enjoyed ourselves. It was very memorable. And so we thank God for that,” saad pa ng aktor.
Dagdag pa niya, masaya siya na maging bagong miyembro ng kanilang pamilya ang napiling mapangasawa ni Carla - ang aktor na si Tom Rodriguez na noon pang 2014 naging kasintahan ng kanyang anak.
“I’m happy. I know my daughter very well, and I trust her choices and decisions. Everything feels positive and we’re happy to have Tom in our family,” aniya.
Hindi raw niya mamadaliin ang bagong kasal na magkaroon agad ng anak. Bahala na raw si Carla at Tom kung paano planuhin ang sariling pamilya.
Aniya, “I want them to be happy. I want them to have a loving and successful family that will last forever. “And I hope that their vows—‘till death do us part … for richer or poorer’—come true.”
COMMENTS