Ipinakita ni Salt Bae sa kanyang kitchen staff kung paano ang tamang paghuhugas ng plato.
| Screenshot from Salt Bae's video |
Super viral ang video ni Salt Bae, ang pamosong Turkish chef na si Nusret Gokce na may kakaibang style ng pagbudbod ng asin sa pagkain, nang ibida niya sa mahigit 40 million followers niya sa social media ang kanyang husay sa paghuhugas ng mga pinggan at isang malaking kaldero.
Sabi niya, sa negosyo raw dapat ay nalalaman mo ang lahat ng detalye.
"In business you must to know every details…from A to Z, okey?” post niya sa Instagram na mayroon nang mahigit limang milyong views.
Sa 59 seconds na video ay makikita si Salt Bae na napalilibutan ng kanyang mga kitchen staff habang iminumuwestra niya sa mga ito ang tamang paghuhugas ng mga plato at kaldero sa kusina ng kanyang restaurant na “Nusr-Et” sa London.
| Screenshot from Salt Bae's video |
Sa saliw ng kanta ni Joe Cocker na “Unchain My Heart” ay maririnig na sinabi niya sa mga empleyado na “okay, clean, all the time.”
Matapos niyang hugasan ay isa-isa niyang pinunasan ng malinis na tela ang mga pinggan.
Makikitang ininspeksyon ng kitchen staff ang mga nahugasang plato. Bakas sa kanilang mga ekspresyon ang tila pagkamangha na para bang noon lang sila nakakita ng malinis na plato.
Sa bandang dulo ng video ay inihagis ni Salt Bae ang suot niyang apron at sinalo iyon ng mga empleyado niya na nagpalakpakan.
| Screenshot from Salt Bae's video |
“How I think dishes should be cleaned.”
“When the owner mingles with every employee of any designation and shows how smallest of the work is done, the company will rule the business.”
“Wanna work for this guy.”
Si Salt Bae ay tubong Erzurum, Turkey. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral dahil sa kakapusan. Bata pa lang ay napasok na siya bilang isang matadero.
Nagsimula ang popularidad niya noong 2017 nang kumalat sa internet ang video na nagpapakita ng kakaiba niyang estilo ng paglalagay ng asin sa mga karne.
| Image from Salt Bae's Instagram account |
COMMENTS