Hanga si Lolit kay Mayor Inday Sara Duterte kahit hindi ito ang kanyang iboboto.
| Image from Mayor Inday Sara's Facebook account |
Napahanga ang tv personality-talent manager na si Lolit Solis sa vice presidential candidate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ito ay matapos magbigay ng paliwanag si Inday Sara kung bakit siya nagdesisyon na tumakbo sa pagka-bise presidente at suportahan si Bongbong Marcos (BBM) sa pagka-presidente gayong siya ang napupusuan ng marami na maging susunod na pangulo batay sa mga survey.
“Napahanga ako kay Sara Duterte, Salve ha. Ang ganda ng explanation niya duon sa kung bakit VP ang tinakbuhan niya at bakit si BBM ang pinili niya,” simula ng post ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account.
Sa ginawang pahayag ni Inday Sara ay mararamdaman daw na ito ay hindi power hungry at isang mahusay na team player.
| Image from Lolit Solis' Instagram account |
“Mapi-feel mo na hindi siya power hungry, at mahusay siyang team player,” aniya na may panghihinayang na inaming hindi si Mayor Inday Sara ang kanyang iboboto sa darating na Mayo 2022 para sa national elections dahil may iba na siyang napiling susuportahan.
“Sayang nga kasi si Cong. Lito Atienza na matagal ko nang tinutulungan ang choice ko for VP,” sabi pa niya.
Si Atienza ay tumatakbong vice president ka-tandem ni Senator Manny Pacquiao na presidential candidate.
Binanggit din ni Lolit Solis na kahit love na love niya si Helen Gamboa-Sotto na asawa ng vice presidential candidate na si Senator Tito Sotto ay si Atienza pa rin ang kanyang iboboto.
| Image from Mayor Inday Sara's Facebook account |
“Saka gusto ko iyon hindi siya ma-epal na kahit presidente si Papa Digong hindi iyong tipong laging nasa news. Nasa side lang siya, nagmamasid-masid. Nakita mo ang tunay niyang character dun sa mga sinabi niya tungkol sa pagtakbong VP kahit ang daming nagsasabi na dapat Presidente ang takbuhan niya,” sabi pa niya.
Matatandaang nanawagan si Inday Sara sa mga supporters niya na protektahan nila ang kanilang kandidato, si BBM.
“What can you do? What can all of us do? We must show we are not just showing support but we will make sure to guard our cherished dreams. Let’s protect our candidate, let’s protect BBM,” ang panawagan ni Inday Sara.
“There are times when we find ourselves to be the leader, but sometimes in our lives we need to stand behind another leader,” paliwanag niya kung bakit VP ang tinakbo niya.
Sabi pa niya, ang mga karanasan ni BBM ay makatutulong dito upang magampanan ang trabaho bilang presidente ng bansa.
Aniya, si BBM ay dating gobernador, naging congressman at nagsilbi rin na senador.
.”
COMMENTS