Excited na si Scarlet Snow Belo na makakita ng school canteen sa personal.
| Image from Scarlet Snow Belo's Instagram account |
Mula sa online learning sa bahay ay first time umanong mararanasan si Scarlet ang pagpasok sa paaralan.
Sa wakas daw ay makikita na ng kanyang anak kung ano ang hitsura ng school canteen at ng mga classmates sa personal, ayon kay Doc Hayden.
“Daddy, finally, I will know what a canteen looks like and how my classmates look in real life!’ These are the things @scarletsnowbelo was most excited about during her first face-to face class as a Grade 1 student. I’m so happy for you,” sabi ng celebrity doctor.
| Image from Hayden Kho's Instagram account |
Ang pilot run ng face-to-face classes ay ipinatupad ng Department of Education (DepEd) simula noong ika-15 ng Nobyembre. Isinasagawa ito sa 100 public shools sa mga piling lugar sa bansa na itinuturing na low risk sa COVID-19.
Noong Lunes naman, ika-22 ng Nobyembre, ito ay sinimulan rin sa mga piling pribadong paaralan.
Maging sa kolehiyo ay mayroon na ring limited in-person classes. Nagsimula nito ang ibang mga unibersidad noon pang Enero ng kasalukuyang taon at ang iba naman ay noong Setyembre. Umabot na sa 161 schools ang nagpapatupad nito.
Ayon sa Commission on Higher Education o CHED, marami pa raw schools ang nabigyan na ng authority na mag-conduct na ng in-person classes, pero nais umano ng ibang universities na sa January 2022 na sila magsimula.
| Image from DepEd |
Sabi ni CHED Chairman Popoy De Vera, ang mga estudyante na ang kinukuhang course ay medicine at allied health sciences ang unang pinayagan sa in-person classes.
Sinundan ito noong Setyembre ng mga nag-enroll sa Engineering and Technology programs, Hospitality/Hotel and Restaurant Management, Tourism/ Travel Management, Marine Engineering, at Marine Transportation.
| Image from CHED |
“Kasi papatapos na ang semester ngayon, ‘yung iba na na-aprubahan na ‘yung kanilang authority to have limited face-to-face, ang decision nila, sa second semester na sila magsisimulang magbubukas,” paliwanag ng CHED chairman.
Samantala, sinabi ng DepEd na sa ngayon ay wala pang nade-detect na COVID-19 sa mga public schools na may face-to face classes kahit na umano nahihirapan ang mga guro na pasunurin ang mga mag-aaral sa health protocols, lalo na ang mga kindergarten students na inaalis ang suot na face mask.
COMMENTS