Maibibilang na ngayon ang pangalan ni Megastar sa mahabang listahan ng artistang lumabas sa FPJ’s ‘Ang Probinsiyano’.
Ang ‘Ang Probinsiyano’
ay pinagbibidahan ni Coco Martin at kamakailan lamang ay nagdiwang ng ika-6 na
taong anibersaryo nito bilang teleserye sa Kapamilya network.
Nitong Martes, Nobyembre 9, pormal nang ibinahagi sa publiko ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ang pagpasok ni Sharon sa ‘Ang Probinsiyano’. Ang pag-welcome sa Megastar ay pinangunahan nina ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal, at “Ang Probinsyano” lead star, director, at creative director na si Coco Martin.
| Imahe mula sa ABS-CBN News |
Noong nakaraang Agosto
unang ipinaramdam ni Sharon ang kaniyang pagpasok sa nasabing teleserye matapos
niyang i-repost ang isang larawan kasama sina Coco at Julia Montes.
Nitong nakaraang
linggo naman ay inilabas ng Kapamilya network ang isang teaser na nagsabing may
aabangang ‘Mega’ addition ang mga manonood ng ‘Ang Probinsyano’ sa mga susunod
na araw.
Bakit nga ba niya tinanggap ang role sa ‘Ang Probinsiyano’
Si Sharon ay
matagal nang Kapamilya subalit ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasabak
siya sa isang teleserye sa nabanggit na network.
Sa ginanap na virtual presscon nitong Martes din, ibinahagi ni Mega na si Cory Vidanes ang lumapit sa kaniya para maging bahagi ng naturang teleserye.
| Imahe mula sa Instagram |
“Ang dali lang.
When Tita Cory sent me a text message, ‘We’d like to offer you a role in
Probinsyano,’ yes agad. Nagka-Zoom kami na meeting and Coco pitched the story
to me, 'yung character ko. For me, it was a no-brainer. Sino ba naman ang ayaw
maging part ng Probinsyano?” paliwanag ni Sharon.
Kaagad raw
siyang pumayag kahit alam niyang may lockdown at malalayo siya sa kaniyang
pamilya. Sa katunayan umano, excited din ang kaniyang pamilya sa pagpasok sa
sikat na action series sa telebisyon.
Isa rin umano sa mga dahilan ay dahil sa ‘Ang Probinsyano’ ay kilalang tatak-FPJ na malapit niyang kaibigan noong nabubuhay pa ito at nakasama na rin niya sa dalawang blockbuster na pelikula – ang ‘Kahit Konting Pagtingin’ at sequel nitong ‘Minsan Pa’.
| Imahe mula sa You Tube |
Inamin rin ng
beterana at premyadong aktres na bagama’t excited siya, may kaunting kaba pa
rin siyang nararamdaman dahil alam niyang iba ang paggawa ng pelikula kumpara
sa mga teleserye.
Samantala, aabangan
na ngayon ng mga masusugid na fans ng ‘Ang Probinsyano’ kung ano ang magiging
papel ni Sharon Cuneta sa nabanggit na teleserye na mapapanood sa Kapamilya Channel,
A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook page, iWantTFC,
WeTV, at iflix.
COMMENTS