To the rescue ang kapatid ni Andi na si Stevie Eigenmann na nagbigay ng pruweba na nag-apologize ang kanyang kapatid.
Paratang umano ni Albie na hindi raw humingi ng tawad si Andi sa kanya matapos siyang mapagbintangan na ama ng anak ni Andi.
Sa panahong iyon, ang career ni Albie ay naapektuhan sa isyu. Subalit, sa kalaunan naman ay napatunayan na hindi siya ang ama ng anak ni Andi.
Naging mapanakit ang mga salita ng binata laban sa aktres na nag-udyok na maging usap-usapan ito ng mga netizens.
Sa isyung ito, to the rescue naman ang kapatid ni Andi na si Stevie Eigenmann na nagbigay pruweba sa paratang ni Albie sa kanyang kapatid.
Nag-post si Stevie ng screenshot ng conversation nina Andi at Albie noon na humingi ng tawad ang kanyang kapatid sa aktor.
Saad naman ni Stevie sa kanyang story post, “ooops. Accidentally publicly posted receipts. Happy Halloween weekend no ill will”
COMMENTS