Tinugtugan ang labi ng fire victim na si Melanie Trinidad ng popular banda na Ben&Ben na isa sa mga paborito niya noong siya ay nabubuhay pa.
Sa isa sa mga huling sandali bago tuluyang mahimlay, tinugtugan ang labi ng fire victim na si Melanie Trinidad ng popular banda na Ben&Ben na isa sa mga paborito niya noong siya ay nabubuhay pa.
Sa Facebook, ibinahagi ng official page ng banda ang isang video kung saan makikitang umaawit ang isa sa mga bokalista nito na si Paolo Benjamin Guico sa lamay ng kanilang fan na si Melanie; ang estudyanteng na-trap sa loob ng nasusunog na bahay habang sinusubukang iligtas ang laptop na ginagamit nito sa pag-aaral.
"A tribute for Melanie, isang Liwanag sa ating lahat," saad sa caption ng video na alay para sa lumisang "Liwanag" (tawag sa fans ng Ben&Ben).
"Si Melanie ay isang estudyanteng namayapa," pagpapatuloy nito. "Biktima siya ng sunog na nangyari sa Novaliches, QC. Nakausap namin 'yong mga malapit kay Mels, at hanggang sa huli, ang pinaglaban niya pa rin ay yung kapakanan ng mga mahal niya sa buhay, at 'yong pag-aaral at kinabukasan niya."
Bagama't malungkot ay inalala ng banda ang kadakilaan na ipinakita ng mag-aaral sa mga huling sandali nito.
"Liwanag si Melanie. Kaya sa huling pagkakataon, pumunta kami sa service niya para makiramay at maghandog ng ilang mga awit. Let's all pray for the repose of her soul," saad ng banda.
Anila sa huling mensahe kay Melanie, "Thank you for your bravery and compassion, Melanie. You'll live on forever through the people whose lives you've touched."
Samantala, katulad ng Ben&Ben, naghandog din ng performance ang PUP COC Ensemble para sa namaalam nilang miyembro.
"The life given to you was short but the memories you gave us will remain for eternity. As we send you off to your resting place, may this song reach you in heaven. Indeed, you are one of the few things worth remembering, Mel. You will surely remain alive in the songs we'll sing and the stories we'll tell about you. Until our next performance, Mel. We love you so much," saad nito sa kanilang Facebook page.
COMMENTS