Pansamantalang sinuspinde ang pagsisimula ng face-to-face classes sa 3 paaralan sa Zambales.
| Image from DepEd |
Sinuspinde ang pagsisimula ng face-to-face classes sa tatlong paaralan sa Zambales matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang mga guro kasunod ng isinagawang antigen test.
Ayon sa School Division of Zambales, isinagawa noong Linggo, ika-14 ng Nobyembre, ang antigen test sa San Marcelino National High School at Baliwet Elementary School na parehong nasa bayan ng San Marcelino.
Ipinagpaliban naman ng Banawen Elementary School sa kalapit na bayan ng San Felipe ang pagsisimula ng face-to-face classes habang hinihintay pa ng ilang mga guro ang resulta ng kanilang antigen test.
| Image from San Marcelino National High School Facebook page |
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang antigen testing ay isa sa mga requirements na itinakda sa ilalim ng memorandum agreement sa pagitan ng mga paaralan at ng local government units upang matiyak na ligtas ang mga komunidad ng indigenous people mula sa COVID-19.
“The School Division superintendent gave assurance that classes would begin in these schools once teachers and other personnel test negative for COVID,” pahayag ng DepEd.
Ayon naman sa Alliance of Concerned Teachers, pinatunayan ng situwasyon sa Zambales kung gaano kahalaga ang mandatory testing sa mga guro sa pagbabalik ng face-to-face classes para sa basic education.
“The antigen testing of those teachers which yielded positive results saved a lot of their co-teachers and learners from possible exposure to the virus. Screening test can intelligently guide safe school reopening ang assuage the worries of teachers and learners,” sabi ni ACT secretary general na si Ramon Basilio.
| Image from CNNPH Facebook page |
Samantala, hindi pa rin nakapipili ang DepEd ng mga paaralan sa Metro Manila na isasama sa implementasyon ng pilot run ng in-person classes na nagsimula noong Lunes, ika-15 ng Nobyembre.
Sinabi ni DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma na nakikipag-usap pa ang kagawaran sa mga alkalde ng rehiyon.
Ang pilot run ng face-to-face classes ay isinasagawa sa 100 public schools sa mga piling lugar na itinuturing na "low risk” sa COVID.
Sa susunod na linggo, ika-22 ng Nobyembre ay sisimulan sa 30 private schools ang face-to-face classes.
| Image from DepEd |
COMMENTS