Basel Manadil, the Hungery Syrian Wanderer, muling nagpasaya sa maagang pamasko sa vendors.
Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Basel Manadil, na mas naunang nakilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' na walang sawang nagbibigay ng tulong at saya sa maraming Pinoy.?
Siya ay isang Syrian-born Filipino vlogger at content creator, na minahal ang bansa at ginawa na itong tahanan niya. Isa rin siyang entrepreneur na masayang makapagbigay ng trabaho at tulong sa mga Pinoy na itinuturing na niyang kababayan. Napagkalooban na siya ng Filipino citizenship via naturalization noong 2019.
At ngayon, muli na naman siyang naghahatid ng good vibes dahil sa maaga niyang pamamahagi ng pamasko sa mga street vendors na para sa kanya ay marangal na nagtatrabaho sa kabila ng pandemya.
Aniya sa kanyang latest video upload, "Sharing blessings mga tao. Our job on earth isn't to criticize, reject, or judge. Our purpose is to offer a helping hand, compassion, and mercy. We are to do unto others as we hope they would do unto us."
Muli siyang naglibot at tinigilan ang ilang street vendors, lalo na yaong mga nakatatanda na ngunit patuloy na nagsisikap kumita.
Ang kanyang sentimyento, "While many of us are struggling to get back on our feet during this pandemic, I would like to show some kindness, Help those in need & dedicate most of my time to look after these people who need me the most."
Isa sa mga tinigilan niya at kinausap ay si Tatay Bong na naglalako ng siomai nang nakapedicab. Nauna rito ay napansin niyang dumaan ang tindero sa isang pamilihan ng damit at tumingin ng brip (underwear). Nakipagkuwentuhan pa siya kay Tatay Bong at sinubukang 'bilhin' ang pedicab nito, ngunit tumanggi ito pagkat iyon umano ang kanyang ikinabubuhay at ng kanyang pamilya.
Nang babayaran niya ang kanyang biniling siomai na 20 pesos, isang dolyar pa muna ang kanyang ipinakita. Pero syempre, ang ibinigay niya ay ilang pirasong tig-500 pesos bilang maagang pamasko.
Labis na naantig ang puso ng siomai vendor at paulit-ulit na nagpasalamat. Hindi niya umano iyun makalilimutan.
"No capital" naman ang sagot ng lolo sa pagtatanong ng pilantropong vlogger. Kaya naman labis ang pagkagulat ng lolo nang imbes na bente pesos para sa isang orange drink ang ibayad ni Basel ay maraming piraso ng lilimandaanin ang iniabot sa kanya.
"Lahat ito?" ang namamanghang nasambit ng lolo. Nang ipinaliwanag ni Basel ang dahilan ng pagbibigay niya rito ng maagang pamasko, tanging "Thank you very much" na lang ang nasabi ni Lolo Roger. (Hindi pa siya makapaniwala sa instant biyaya!)
Naglibot pa si Basel at namigay din sa iba pang vendors na nadaanan niya.
Sa pagtatapos ng video, sinabi ng matulunging Syrian-Pinoy na "For me everyday is Christmas, because everyday is giving time for me. I don't only give out or give back on Christmas. I give back daily basis. With or without vlog I still do this, I will still extend help, I will still employ people and help more."
Ngayon ay 28 anyos na si Basel at maraming taon na niyang ginagawa ang pagtulong sa mga masisikap na Pilipino na naging malapit na sa kanyang puso.
Mapapanood ang kanyang maagang pamasko vlog sa video na ito:
COMMENTS