Namangha ang maraming netizens sa kasëksihan ng ina ni Ivana Alawi noong kabataan nito.
Namangha ang maraming netizens sa kaseksihan ng ina ni Ivana Alawi na si Fatima Marbella noong kabataan nito.
Sa kanyang Facebook page, nag-post kamakailan ng isang nakaaantig na birthday greeting ang internet celebrity. Dito, ibinahagi niya kung paano sinuportahan ng kanyang nanay ang pangarap niya noon pa man na maging isang kilalang personalidad.
"Dear Mama Alawi, you are that one person who never stopped believing in me and on my dreams," saad niya sa caption ng mga litrato. "Kahit nawalan na ako ng hope na magkakatotoo ang mga dreams ko noon na mapanood ako sa TV, hindi ka pa rin tumigil at sine-send mo mukha ko sa mga talent manager. Hahaha!"
"Pero tama ka God's timing is always perfect," pagpapatuloy niya. "Thank you for raising us to be as strong, kind-hearted, and giving as you are. You are the best mama. Happy birthday! We love you."
Ngunit bukod na mensahe ni Ivana, may isa pang nakapukaw ng atensyon ng mga tao sa social media — ang isa sa mga litratong ibinahagi ng celebrity kung saan makikita ang porma ng katawan ng kanyang ina noong kabataan nito. Like mother, like daughter, anila. Kitang-kita raw kung kanino nagmana ang kanilang hinahangaang si Ivana.
"Ivana Alawi, magkamukha po kayo," saad ng Facebook user na si Y. Sartorio. "Sa unang tingin, akala ko ikaw pero si Mama Alawi pala talaga."
"Wow, ang sexy at ang ganda pala ng mama mo, Ivana. May pinagmanahan naman pala ang beauty mo. Ang liit-liit ng baywang," kumento naman ni V. Bulahan.
"It's true, like mother, like daughter, Ma'am Ivana," wika naman ni J. Santos.
At aminado rin naman si Ivana kung kanino siya nagmana.
COMMENTS