Posibleng ideklara ng Malakanyang ang tatlong araw na national vaccination drive bilang non-working holiday
Gayunpaman, hinihintay pa umano ang pinal
na desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol dito, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
"Inaasikaso po kung ano ang magiging desisyon ng Presidente diyan," ani Roque. “Let us wait for the EO.”
| Imahe mula sa Facebook |
Itinaon kasi ang naturang vaccination drive
sa paggunita ng bansa ng Araw ni Bonifacio sa Nobyembre 30, kaya may posibilidad
na ideklara ring holiday ang dalawang araw na nakaipit dito.
"Hintayin na lang po natin ang anunsyo
galing sa Palasyo," dagdag pa ni Roque.
Nauna nang sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na balak nilang magdaos talaga ng 3-araw na national vaccination drive dahil sa bulto ng COVID vaccine na sabay-sabay halos dumating sa bansa nitong nagdaang mga araw.
| Sec. Galvez| Imahe mula sa PNA |
Tatawaging “Bayanihan, Bakunahan” ang
nasabing programa na may layong maturukan ang nasa 15 milyong Pinoy sa
iba’t-ibang bahagi ng bansa sa loob ng tatlong araw.
Lahat umano ng antas ng lipunan at mga
ahensiya ng gobyerno ay magtutulungan para maging matagumpay ang gaganaping
vaccination drive.
Partikular na layunin ng pamahalaan ay maabot ang mga malalayong lugar lalo na iyong mabagal ang vaccination effort dahil na rin sa limitasyon sa logistics at iba pang hamon dahil sa umiiral na pandemya.
| Imahe mula sa NPR.org |
Sa kasalukuyan, umaabot na sa halos 30
milyong Pinoy ang naturukan simula nang magsimula ang vaccination drive ng
gobyerno noong Marso 29. Malayo pa ito sa target na 70 milyon ng nasa 109
milyong kabuuang populasyon upang maabot ang tinatawag na ‘herd immunity’ bagao
matapos ang kasalukuyang taon.
Tiniyak din ni Galvez na kaya nilang i-sustain ang vaccination drive hanggang Disyembre 1.
COMMENTS