Magkapatid na nagtitinda sa lansangan, masayang-masaya sa naranasang 'shopping galore' at maagang pamasko

Masuwerteng nabigyan ng maagang pamasko ang magkapatid na nagtitinda sa lansangan -shop all you want!



Ang shopping activity ay normal na lang para sa karamihan sa atin; mapa-grocery man yan o mga pang-personal na gamit. Ngunit paano kung mga kapuspalad ang masuwerteng mabiyayaan ng regalong shopping galore spree? Gaano kaligaya kaya sila?

Ganyan ang nangyari sa magkapatid na lalaki at sa kanilang ina na masuwerteng napusuan ni Basel Manadil na bigyan ng kasiyahang hindi nila siguro malilimutan.

Sa video na ibinahagi ni The Hungry Syrian Wandered sa kanyang YouTube channel ay sinabi niyang:

"Back on the street mga tao, maagang pamasko! Rewarding the best kind of people - hardworking kababayans and this time we found two brothers helping their mom make a living. Will never stop inspiring and spreading the blessings."

Nadaanan niya ang magkapatid na nagtitinda gamit ang isang kariton na bakal at naglalakad sa kanilang likuran ang kanilang ina.



Patungo sana si Basel sa trabaho ngunit napagdesisyunan niyang tumigil para sa mag-iina ma itinuturing niyang mga taong hardworking na kahit mga bata pa ay tumutulong na sa magulang.

Saglit siyang nakipagkuwentuhan sa mag-iina at inabutan niya ng isang sobre ng cash ang ina upang maipandagdag sa puhunan nito sa munting negosyo. Makaraan ay isinama niya ang dalawang bata sa isang kilalang supermarket habang binabantayan ng ina ang kanilang kariton.

Shopping galore

Labis labis ang tuwa ng magkapatid na sina Jonathan at Darwin nang mapatunayang bibilhin talaga ni Basel ang kanilang nanaisin sa loob ng supermarket. Hindi magkamayaw ang dalawang bata sa pagpili ng mga nais nilang laruan. Atubili sila sa una dahil sa nakita nilang presyo ng mga laruan, ngunit in-assure sila ni Basel na ok lang. Bibilhin umano ang ano mang maibigan nila.

"Puro ka ok lang," ang nakangiting nasabi ng batang si Darwin.


Pinapili din sila ng kasuotan mula ulo hanggang paa. May sapatos, damit, shorts, at pati sumbrero na YOLO; na nagkataong pangalan ng isa sa mga tindahan ni Basel.

Binilhan din sila ng sweat shirt upang hindi sila mabilad sa init ng araw. Suot na nila ang mga bagong damit at sapatos sa paglabas nila sa supermarket sa Las Pinas.

Mababanaag na magagalang ang mga bata at hindi mapagsamantala na tila mas nagpasaya sa pilantropong vlogger.

Isang napakasayang karanasan ito para sa mga bata at sa kanilang ina. Nagkataon namang ang isang kapatid na lalaki pala ng ina ay minsan na ring natulungan ni Basel at nabahaginan din sila sa biyayang ipinagkaloob sa kanyang kapatid kaya sila may paninda. Small world, sabi naman ni Basel.

Nais mo bang makita ang kasiyahan ng mga batang nabigyan ng masagang pamasko? Panoorin ang video ng The Hungry Syrian Wanderer na may pamagat na ""I'll Buy EVERYTHING You Can CARRY" :

 


COMMENTS

Name

animals,7,beauty,5,business,2,celebrities,67,celebrity,2,charity,1,clothing,3,current events,38,entertainment,58,environment,1,events,8,fashion,4,Food,20,Food & Travel,3,food and travel,4,government,28,Health,59,Inspiring,57,jobs,1,lifestyle,33,lottery,1,music,2,News,55,OFW,2,Others,144,people,16,pets,2,Philippine Showbiz,4,politics,15,relationship,5,social media,15,sports,1,technology,5,Travel,3,trends,80,wildlife,1,world news,1,
ltr
item
News Presenter: Magkapatid na nagtitinda sa lansangan, masayang-masaya sa naranasang 'shopping galore' at maagang pamasko
Magkapatid na nagtitinda sa lansangan, masayang-masaya sa naranasang 'shopping galore' at maagang pamasko
Masuwerteng nabigyan ng maagang pamasko ang magkapatid na nagtitinda sa lansangan -shop all you want!
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEhhfNah3m-P4WfQC7Dk1Rwa3yEp-RfzxZOtrSXcKCJFr12R2SCcXJlC2qdreT1EtRYcBarXp_YgzGX35DBJ5DTtHWzj0_qCrA_sQ1H8iHohOM65hmrwTvv24majWzcRyJw08jBwV39t9jm6rw8xMI-ovAhaapHkY3KjUL3gYDkVxqlDlbMAQ8Ugxze8=w594-h327
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEhhfNah3m-P4WfQC7Dk1Rwa3yEp-RfzxZOtrSXcKCJFr12R2SCcXJlC2qdreT1EtRYcBarXp_YgzGX35DBJ5DTtHWzj0_qCrA_sQ1H8iHohOM65hmrwTvv24majWzcRyJw08jBwV39t9jm6rw8xMI-ovAhaapHkY3KjUL3gYDkVxqlDlbMAQ8Ugxze8=s72-w594-c-h327
News Presenter
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/vendor-brothers-shopping-spree.html
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/vendor-brothers-shopping-spree.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy