Bago pa man naghiwalay ng landas sina Vice at Billy, kilala ang dalawa bilang malapit na magkaibigan.
At kahit pa nga
lumipat na si Billy sa Kapatid network bilang host ng ‘Lunch Out Loud’ na
katapat ng ‘It’s Showtime’, tiniyak nito na walang mababago sa kanilang
pagkakaibigan ni Vice.
| Screenshot mula sa You Tube video |
May ilang fans
pa ng dalawang artista ang nagbahagi ng screenshots kung saan makikitang hindi
na lumalabas ang kanilang account sa page ng isa't-isa.
Marami naman ang humula na posibleng may kinalaman ito sa mga kontrobersyal na rebelasyon ni Direk Bobet Vidanes na dating taga-‘It’s Showtime’ subalit lumipat na rin at direktor na ngayon ng ‘LOL’ sa TV5.
| Screenshot mula sa You Tube video |
Wala namang nalathala tungkol sa tampuhan at samaan ng loob sa pagitan nina Vice at Billy
maliban na lamang sa pagkakatapat ng kani-kanilang noontime show at mahigit
isang taon nang hindi magkatrabaho.
Noong nakaraang
taon ay nag-guest pa nga sa programa ng ‘Unkabogable Star’ si Billy at asawa
niyang si Coleen Garcia kahit pa nasa kabilang network na ito.
Tiniyak rin noon ni Vice Ganda na mananatili silang magkaibigan kahit lumipat na ito ng istasyon at hindi na sila magkasama sa trabaho.
| Imahe mula sa ABS-CBN News |
“I love you, at
gagalingan mo sa mga gagawin mong trabaho. At alam mo, sa pamilya, di ba, meron
kang kapatid na lilipat ng bahay,” ani Vice sa kaniyang dating kasamahan.
“Pero hindi
porke’t lilipat siya ng bahay, hindi mo na siya kapatid, hindi mo na siya
kapamilya, hindi mo na siya mahal,” dagdag pa ng komedyante.
Kaugnay nito,
hindi pa naglalabas ng kani-kaniyang pahayag sina Vice at Billy tungkol sa
panibagong isyung ito na may kaugnayan sa kanilang pagkakaibigan.
COMMENTS