Sinagot ni Vice Ganda at ion Perez ang mga katanungan sa relasyon nila sa isang vlog.
| Screenshot from Vice Ganda's vlog |
Sa latest vlog ni Vice Ganda, na humakot na ng halos kalahating milyong views wala pang 24 oras ang nakararaan matapos iyong i-upload sa YouTube, ay sinagot nila ng kasintahang si Ion Perez ang maraming katanungan tungkol sa kanilang relasyon.
Ang vlog ay kinunan sa popular na parke sa New York City sa Estados Unidos.
Bago nila ginawa ang question and answer portion ng vlog ay ilang tagpo ng kanilang paglilibot sa Central park, ang most visited urban park sa Amerika, ang ibinahagi ng magsing-irog.
Naroong kumukuha sila ng mga larawan ng mga bagay na nakikita sa park gamit ang kanilang cellphone, magpa-picture, at bumili ng ice cream para raw mas nakakatamis.
“Para mas nakakatamis kumain tayo ng ice cream.”
| Screenshot from Vice Ganda's vlog |
At tulad ng maraming Pinoy na hindi sanay sa presyo ng mga bilihin doon ay ikinumpara ni Vice Ganda ang presyo ng dalawang cones ng ice cream na binili nila at presyo ng isang sikat na brand ng ice cream sa Pilipinas.
“$18. Kulang-kulang isanlibo. Ano ‘to? Dyusko, ilang galong ice cream na ‘yon sa Magnolia sa Pilipinas, no? Minsan budol din talaga dito sa Amerika, eh. Parang kagabi, bumili kami ng hotdog. $20 ‘yung hotdog…dalawa. Hindi kami nakabili ng tubig. $10 isa. Ano ‘to isanlibo? Ilang plastic na ‘to ng Purefoods o kaya Bibbo,” patawang sabi ni Vice Ganda.
Sabi niya, nandoon sila sa Central Park dahil nagse-celebrate sila ni Ion ng kanilang 3rd anniversary.
| Screenshot from Vice Ganda's vlog |
"Three years of just being unapologetically in love and happy with each other,” aniya pa.
Habang nakaupo sa isang picnic blanket ay sinimulan ng dalawa ang pagsagot sa mga katanungan tungkol sa relasyon nila. Marami raw kasing nagre-request na gawin nila ang ganoon - ang “Who’s Who game” na sumikat sa TikTok.
Isa sa mga tanong na kanilang sinagot ay kung sino raw ba sa palagay nila ang unang bibitaw sa kanilang pagsasama.
| Screenshot mula sa Vice Ganda vlog |
Sabi ni Vice Ganda, “definitely hindi ako.”
“Hindi rin ako,” hirit naman ni Ion Perez.
Ayon kay Vice, sa punto ngayon na intense ang samahan nila ay hindi niya nararamdaman na mangyayari na bumitiw ang bawat isa sa kanilang relasyon.
Hindi raw niya nararamdaman na kaya niyang gawin iyon at hindi rin niya nararamdaman na kaya iyong gawin ni Ion.
Marami pa silang isiniwalat tungkol sa kanilang relasyon na mapapanood sa naturang vlog.
COMMENTS