Hindi lang pala mga mamahaling bags at sapatos ang bet ni Dr. Vicki Belo na kolektahin kundi pati chocolates?
| Screenshot from Kim Chiu's vlog |
Hindi lang pala mga mamahaling bags at sapatos ang bet ni Dr. Vicki Belo na kolektahin. Mahilig din pala siyang mangolekta ng iba’t ibang tsokolate.
Aminado naman ang celebrity dermatologist na isa siyang chocoholic. Bata pa raw siya ay matindi na raw ang pagkahilig niya sa mga ito at hindi naman iyon nabago hanggang ngayon. Alam daw ng mga kaibigan at maging ng mga pasyente niya ang hilig niyang ito kaya naman pinadadalhan siya ng mga chocolates mula sa iba’t ibang bansa.
Linggo-linggo raw ay hindi bababa sa tatlong kahon ng tsokolate ang inireregalo sa kanya.
“My friends and even patients know that I love chocolates so they bring me the best chocolates from all over the world. I get at least three boxes of chocolates every week and I can't eat them all,” aniya.
| Screenshot from Kim Chiu's vlog |
Bukod sa mga inireregalo ay bumibili rin si Dr. Belo ng mga paborito niyang chocolates kaya kinalaunan ay namroblema na siya kung saan itatago ang mga iyon.
Sa halip na magbawas, ang naisip niyang solusyon ay bumili ng dalawa pang refrigerators para doon.
Ilang beses na ring naitampok sa mga TV shows at celebrity vlogs ang mga refrigerators niya na puno ng mga mamahaling tsokolate.
Kamakailan lang, ito ang paksa sa vlog ng aktres na si Kim Chiu.
| Screenshot from Kim Chiu's vlog |
“Hi, everyone! Grabe. Finally na-raid ko ang ref ng isang doctora Vicki Belo at nagulat ako sa laman ng ref. Plus I also asked Doc Belo some truth or myth about beauty beliefs from Twitter,” sabi ng aktres.
Hindi naitago ni Kim ang kanyang pagkamangha sa laman ng ref na ang bawat level ay puno ng sari-saring brand ng mga luxury chocolates.
May lugar sa ref na dedicated para sa European chocolates, meron ding para sa mga galing sa America at ang isa sa mga drawers nito ay puno ng chocolate coins.
| Screenshot from Kim Chiu's vlog |
Nakokontol naman daw ni Dr. Vicki Belo ang pagkain niya ng mga tsokolate.
Katulad na lang ng paborito niyang Jean-Paul Hevin praline-filled chocolate na tinatayang nagkakahalaga ng P962 ang isa. Hinahati-hati niya iyon sa malilit na piraso para hindi raw madaling maubos.
| Screenshot from Kim Chiu's vlog |
COMMENTS