Namahagi ang Pasig City sa higit 3000 students ng cionnectivty allowance na nagkakahalaga ng P2,500 per semester..
| Image via Mayor Vico Sotto's Facebook page |
Inanunsyo ng Pasig City local government unit noong Linggo, ika-14 ng Nobyembre, ang pamamahagi ng cash cards na naglalaman ng connectivity allowance sa mahigit tatlong libong mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP).
Ang allowance ay makatutulong sa mga estudyante para sa kanilang online classes.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Mayor Vico Sotto na ang bawat isa sa mahigit tatlong libong mag-aaral ay nakatanggap ng connectivity allowance na nagkakahalaga ng P500 kada buwan. Para sa buong semestre ang distribusyon ng allowance na nagkakahalaga ng P2,500.
Sabi ng alkalde, sa susunod na linggo ay maaari nang ma-withdraw ng mga estudyante ang unang P2,500. Maghintay lamang daw ng susunod na announcement.
| Image from Mayor Vico Sotto's Facebook page |
“Ang bawat isa sa 3000+ mag-aaral ng ating Pamantasan ay may 500 pesos/month na #ConnectivityAllowance (distributed per sem- 2,500). Mga next week puwede na nilang withdraw yung unang 2,500 (pls wait for announcement),” bahagi ng post ng alkalde.
Pinasalamatan niya ang staff ng PLP at Landbank sa pagtatrabaho ng mga ito kahit araw ng Linggo.
“Salamat sa staff ng PLP at Landbank na nagtrabaho kahit Linggo.” aniya.
Dahil sa pandemya, patuloy na ipinaiiral ng Department of Education (DepEd) ang blended learning nang pormal na sinimulan ang School year 2021 -2022.
| Image from Mayor Vico Sotto's Facebook page |
Ang blended learning ay tumutukoy sa face-to-face learning na hinaluan ng online distance learning, modular distance learning at radio/TV-based na pagtuturo.
Ginawa ito upang malimitahan ang face-to-face classes, matiyak ang social distancing at mabawasan ang dami ng mga taong lumalabas ng kanilang mga tahanan.
Ayon sa DepEd, epektibo naman ang ipinatutupad na blended learning.
Samantala, kasabay ng pagluluwag ng restriksyon sa mga lugar na itinuturing na low risk sa COVID ay isinagawa ang pilot run ng face-to-face classes sa mga piling pampubliko at pribadong paaralan.
| Image from DepEd |
Sinimulan noong Lunes, ika-15 ng Nobyembre, ang limitadong face-to-face classes sa 100 public schools, samantalang sisimulan ito sa 30 private schools sa susunod na linggo, ika-22 ng Nobyembre.
COMMENTS