Ikinumpara ni Direk Brillante Mendoza si Vince Rillon kay Coco Martin.
| Vince Rillon with direk Brillante Mendoza |
Kapag minamasdan ng award-winning director na si Brillante Mendoza ang aktor na si Vince Rillon ay parang nakikita raw niya rito ang superstar na si Coco Martin noong ito ay isang indie actor pa.
Mabait daw si Vince. Simpleng tao lang at walang ka-ere-ere. Dati na umanong nakatrabaho ni Vince si Coco at magkaibigan silang dalawa.
Nakikita raw niya ang potensyal nito na balang-araw ay maging isang tulad rin ni Coco Martin.
“He is a good person, not conceited at all. He’s just focused on taking care of his family. He’s such a simple guy. Coco and Vince are friends. They’ve worked together before. This is also why I was able to say that Vince has a potential to become a Coco Martin in the future,” wika ni direk Brillante.
| Image from IMDB |
Dating protegé ni direk Brillante si Coco Martin. Marami nang pelikulang nagawa ang direktor na si Coco ang lead star. Kabilang dito ang “Masahista” (2005), “Tirador” (2007), “Serbis” (2008) at “Kinatay” (2009), kung saan nabigyan si direk ng award bilang best director sa prestihiyosong 92nd Cannes Film Festival.
Bagama’t may pagkakahalintulad si Coco at Vince, magka-iba rin sila, sabi pa ng batikang direktor.
Alam raw ni Coco sa simula pa lang ang gusto nito. May plano na raw ang aktor. Seryoso sa trabaho at matiyaga. Sa bagay na ito raw magkaiba si Vince at Coco.
| Image from 100Spa |
Si Vince daw ay “chill” lang. Hindi pa raw nito nare-realize ang kalakasan niya bilang isang aktor. Parang nao-overwhelm pa raw ito kapag nakakaharap ng ibang showbiz celebrities dahil hindi niya itinuturing na isa rin siyang celebrity.
Kasama si Vince sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan ginagampanan niya ang papel bilang si Victor F. De Silva.
Ang “Resbak” ang first lead role ni Vince. Ang pelikula, ayon kay direk Brillante, ay ginawa dalawang taon na ang nakalipas…noong wala pang pandemya.
| Image from FDCP |
COMMENTS