Humingi na ng paumanhin ang isang guro sa Pampanga matapos sitahin ng DepEd dahil sa kaniyang video na nag-viral sa Tiktok.
Humingi na ng paumanhin ang isang lalaking guro sa Pampanga matapos sitahin ng DepEd ang kaniyang video na nag-viral sa Tiktok kamakailan dahil hindi umano ito ‘naaangkop’ na aksiyon para sa kabataan na kaniyang tinuturuan.
Sa panayam sa
Teleradyo, sinabi ng isang grupo ng mga teacher na nag-sorry na ang nabanggit
na guro subalit hindi umano ito nangangahulugan na palalampasin nila ang ‘pagkakamaling’
ginawa nito.
“Naglabas na ng
apology yung ating teacher po dito at sinabi niyang yon ay katuwaan lang,"
ani Benjo Basas ng Teachers’ Dignity Coalition.
“Kumbaga, he’s man enough na tanggapin ‘yung posible na pagkakamali d’un sa kanyang ginawa,” dagdag pa ni Basas.
Bukod dito, dapat raw talagang paalalahanan ang mga teacher ngayon na iwasan ang mga katulad na aksiyon at malaman ang kanilang limitasyon bilang mga propesyonal.
Posibleng hindi
pa rin daw ligtas ang guro sa kasong maaaring isampa sa kaniya tulad ng sinabi
kamakailan ni DepEd Secretary Leonor Briones na nadismaya matapos kumalat ang video
sa social media.
Gayunpaman,
nalulungkot si Basas na pinagpiyestahan agad ng mga netizens ang lalaking teacher
lalo pa’t ang iba’y mabilis na hinusgahan kaagad ang pagkatao nito.
Dapat daw sana ay hindi na rin muna inilabas sa publiko ang pangalan at maging ang mukha mismo ng teacher pati na ang paaralan kung saan siya nagtuturo.
“Eto po yung
sinasabi na magna carta for public school teachers. Wala pong publicity allowed
dito sa kaso pero hindi po gan’un ‘yung nangyari. Hindi na-protektahan ‘yung
kanyang identity and itsura,” paliwanag ni Basas.
Ang iba nga raw na
nahuhuling may-sala ay hindi agad inilalabas ang mukha at pangalan sa publiko
upang protektahan ang kanilang pagkatao subalit hindi umano ganito ang nangyari
sa kontrobersiyal na guro.
Nilinaw rin ni
Basas na bukas at pabor sila sa desisyon ng DepEd na imbestigahan ang teacher
upang maipagtanggol naman nito ang kaniyang sarili.
COMMENTS