Nag-trending ang isang reporter dahil "sama ng loob" ang nabanggit niya sa weather report sa halip na "sama ng panahon."
| Screenshot mula sa UNTV network video |
Nag-trending sa social media ang isang reporter ng UNTV network dahil sa pagkakamali niya sa pagbabalita tungkol sa lagay ng panahon sa bansa.
Sa halip kasi na “sama ng panahon” ang sabihin ay “sama ng loob” ang kanyang nabigkas.
Natawa rin ang reporter na si Mon Jocson sa pangyayari pero itinuloy pa rin niya ang pagbibigay ng weather update.
"Sa kasalukuyan po ayon sa PAGASA wala po silang namo-monitor na sama ng loob (natawa siya sa parteng ito)..ng low pressure area po dito po sa loob ng Philippine area of responsibility,” sabi niya.
“Ngayon po sa labas, wala pong nakikita na ano mang sama ng panahon… labas po ‘yan ng ating bansa,” patuloy pa ni Jocson sa kanyang weather update.
In-upload niya sa Twitter ang blooper at nilagyan niya ng caption na “Walang tatawa, ang tatawa hindi ko na bati.”
| Screenshot of Mon JOcson's tweet |
Ang tweet ni Jocson ay humakot na ng mahigit 598,000 views, higit 56,000 likes, 7,818 quote tweets at mahigit 10,000 retweets.
Natawa ang mga kapwa niya mamamahayag na nagkomento sa tweet niya.
“Hahahaha! I miss you Kuya Mon,” sabi ng news correspondent na si JC Cosico ng News5 at One News.
Dahil sa pagkakamali ni Jocson ay sinariwa naman ng ibang twitter users ang iba pang insidente sa pamamagitan ng pag-tweet ng mga bloopers ng weather forecasters na sina Mang Tani at Kuya Kim Atienza.
COMMENTS