Wedding reception may pa-unli rice at unli sabaw.
| Image from Rian Baynosa's Facebook account |
Hinangaan dahil sa pagiging praktikal at kinakiligan dahil sa sweetness na ipinakita sa isa’t isa ang bagong kasal sa Cebu na sa isang fastfood restaurant idinaos ang kanilang wedding reception.
Matapos magpalitan ng “I do’s” at mangako na magsasama sa hirap at ginhawa, dumiretso ang newlyweds na sina Rian at Rhaqueza sa sikat na venue ng reception. Suot ang kanyang white wedding gown, ang bride mismo ang nagtungo sa counter upang umorder ng kanilang pagsasaluhan kasama ng mga bisita.
| Screenshot from GMA's video |
Bago pa nila pagsaluhan ang kanilang pagmamahalan ay pinagsaluhan muna nila ang masarap na pagkain sa reception upang makasama sa selebrasyon ng espesyal na araw na iyon ang mga kaanak at kaibigan sa unang pagkakataon bilang magkabiyak.
Sa budget na P3,044 ay nabusog ang labinlimang katao kasama na ang bagong kasal sa handang masarap na fried chicken, unli rice at unli sabaw. May kasama na rin iyong dessert na halo-halo.
"Limited lang 'yung mga tao na in-invite namin, mga 15 persons lang, hindi masyadong malaki 'yung binayaran namin. Although ginusto talaga namin 'yung medyo magara naman, kasi sabi nga minsan lang tayo kinakasal, pero siyempre 'yung pera naman hindi naman minsan," sabi ni Rhaqueza.
| Image from Rian Baynosa's Facebook account |
“Gumastos lang kami ng P3,044 good for 15 persons lang, lahat kasama na kami roon," wika ng bride na 8 months pregnant na.
“Since pregnant na ako for eight months, decided talaga kami noon na pinili talaga namin sa fastfood na lang kasi mas tipid at hindi na kami mag-iisip ng mga utang utang pa,” paliwanag ng napaka-praktikal na bride.
| Screenshot from GMA's video |
Sa naturang fastfood na rin ginawa ang money dance, isang tradisyon sa mga kasalan na habang nagsasayaw ang bagong kasal ay sinasabitan ng pera ang kanilang kasuotan. Ito ay simbolo umano sa pagtahak nila sa maalwan na buhay ng kanilang pagsasama.
Doon na rin sa restaurant ginawa ang pagbubukas ng mga natanggap nilang mga regalo. Kabilang sa mga iniregalo sa kanila ay isang kaldero na puno ng bigas at isang arinola.
| Image from Rian Baynosa's Facebook account |
COMMENTS