Natiketan ng pulis ang isang babaing nakasuot ng ‘maikling shorts’ at naglalakad sa Caloocan City.
Batay sa ulat ng
GMA News, hinuli ng pulis ang babaing naka-shorts na magdadala lamang sana ng mga
inorder na produkto sa kaniya. Ang suot ng babae umano ay isang paglabag sa
‘dress code’ base na rin sa ordinansa ng lungsod.
| Screenshot mula sa GMA News video |
Kuwento ng babae
sa GMA News, akala raw niya ay hinuli siya dahil sa hindi pagsusuot ng face
mask dahil hawak lamang niya ito sa kaniyang kamay.
Subalit laking
gulat niya nang malamang ang tiket ay para pala sa ‘maikling shorts’ na suot niya
noon.
“Ang sabi niya (pulis)
po 'yung maikling short daw titiketan daw po niya ako. Tapos sabi ko paano po
yun sir hindi ko po alam na bawal ang maiksing short,” bahagi ng babaeng
itinago lamang sa pangalang ‘Carmina’.
| Screenshot mula sa GMA News video |
Nagtataka umano siya dahil halos lahat naman ngayon ay naka-shorts na. Maging ang mga matatanda
umano na kasama niya ay nagulat at nag-aalalang baka pati sila ay mahuli kapag
nagsuot ng shorts gayung matanda na sila.
Mabuti na lamang at warning muna ang naging tiket sa kaniya at wala pa itong kaakibat na multa dahil first offense pa lamang.
| Imahe mula sa Google Maps |
Ang Lungsod ng Caloocan
ay mayroong umiiral na ordinansa na ipinasa taong 2007 na nagtatakda ng ‘dress
code’ o pagsusuot ng disenteng damit sa mga pampublikong lugar.
Nangako naman si
Mayor Oscar Malapitan na kaniyang paiimbestigahan ang pangyayari.
Panoorin ang
buong ulat sa video sa You Tube.
COMMENTS