Sinabi ni Xian Gaza na fake news ang pahayag ni Barbie Imperial tungkol kay AJ Raval.
| Composite photos of Barbie Imperial and Xian Gaza |
Pinabulaanan ni Xian Gaza ang paratang ni Barbie Imperial na si AJ Raval ang kanyang source tungkol sa ibinulgar niya tungkol kay Barbie at Diego Loyzaga.
Sa panayam ni Boy Abunda na mapapanood sa YouTube, tahasang sinabi ni Barbie na si AJ Raval ang source ni Xian ng mga impormasyon sa mga inilalabas nitong chismis.
“I have a proof na AJ and Xian Gaza are friends and they really talked about…she gives him mga info ng mga chismis,” pahayag ng 23-anyos na aktres.
Hinamon pa ni Barbie si AJ na magsalita para pasinungalingan ang naging pahayag ni Xian na diumano ay dumadalaw si Diego Loyzaga sa bahay nila AJ sa Pampanga.
| Screenshot from Boy Abunda's video |
“Magsalita ka,” hamon niya sa young actress na anak ng dating action star na si Jeric Raval.
Sinabi pa ni Barbie na ang mga litratong “ibinulgar” ni Xian Gaza na magkasama si Diego at AJ ay kuha daw sa taping ng pelikulang pinagsamahan ng dalawa.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Xian Gaza na “fake news” si Barbie Imperial.
Inamin ni Xian na nagalit sa kanya si AJ Raval dahil sa mga isyung nangyayari.
| Composite photos of Diego Loyzaga and AJ Raval |
“Barbie Imperial fake news ka, Sis. Ginawa mo pang source si AJ Raval hahaha! As a matter of fact, sobrang nagalit siya sa akin after ko i-post ang exposé pero sineenzone ko na lang para wala nang mahabang usapan pa,” post niya.
Tinanong pa ni Xian si Barbie kung bakit si AJ ang pinagsasalita nito. Bakit daw hindi pagsalitain sa publiko ang boyfriend niyang si Diego Loyzaga.
“Bakit hindi si Diego Loyzaga ang magsalita sa publiko na hindi totoo ang mga sinasabi ko? Bakit si AJ?” hamon niya kay Barbie Imperial.
| Image from Christian Albert Gaza's Facebook account |
Sa Facebook post niya na nakalagay ang litrato ni Barbie at ang naging pahayag nito patungkol kay AJ Raval, nilimitahan ni Xian kung sino lang ang pwedeng magbigay ng comment. Ipinagpapalagay na tanging ang mga sangkot na personalidad lang ang maaring magkomento sa post niya.
COMMENTS