Puwede palang hanapbuhay ang pagiging marites, ayon kay Xian Gaza.
| Image from Christian Albert Gaza's Facebook account |
Puwede rin palang pagkakitaan ang pagiging “marites” o ang pagkahilig sa mga latest chismis, ayon Xian Gaza; ang self-proclaimed boses ng masa sa social media.
Sa Facebook post niya noong November 19, 2021, sinabi ni Xian Gaza na mayroong isang marites na tumanggap ng two thousand pesos mula sa “Isyus” dahil sa pagpapadala nito ng larawan bilang katibayan na totoo ang sinasabi sa isang blind item na kinasangkutan ng dalawang sikat na artista.
“’Yung marites na nagpadala ng larawan ni Diego Loyzaga sa Escala Tagaytay ay nakatanggap ng 2000 pesos. Dito sa Isyus app, ang pagiging tsismosa ay isang hanapbuhay,” saad sa FB post niya.
Matatandaang laman ng tsismis si Diego Loyzaga at nobyang si Barbie Imperial na diumano ay nag-away sa loob ng Hotel Escala sa Tagaytay. Nagkasira-sira umano ang kuwarto dahil sa tindi ng nangyari.
“Kompirmd mga Mars! Barbie Imperial and Diego Loyzaga, nag-check out sa Escala Tagaytay last November 1 na sira-sira at basag-basag ang buong kwarto matapos mag-away nang malala. Ultimo bote ng wine ay ibinato sa aircon,” sabi ni Xian.
| Image from Isyus' Facebook page |
Para pasubalian ang mga bali-balita, naglabas si Loyzaga ng ilang larawan nila ng nobya na nagpapakita na sweet sila sa isa’t isa. Tinawag niyang “noise” lang ang mga chismis.
Subalit lalong tumibay ang hinala ng publiko na totoo ang balita dahil sa diumano’y kapansin-pansin na may galos sa braso si Barbie Imperial sa nasabing larawan. Tanda raw iyon na posibleng may pisikalan ngang naganap.
Samantala, mariing pinabulaanan ni Xian Gaza na sa kanya nanggaling ang P2,000 reward na ibinigay sa “marites.”
“Hahaha lilinawin ko lang po Ginoong buendia na ang 2K budget ay nanggaling sa kumpanya, hindi sa aking bulsa. Ayaw ko ‘yung binibigyan ako ng credit na hindi deserve. Sapat na sa akin ang atensyon ng sambayanang Pilipino hahahahahaha labyu, mars,” aniya.
| Image from Isyus' Facebook page |
COMMENTS