Ibinida ni Xian Gaza ang mga properties na naipundar niya sa loob lang ng 13 months.
| Image from Xian Gaza's Facebook acount |
Ibinida ni Christian Albert Gaza, mas kilala bilang Xian Gaza, ang anim na ari-arian na naipundar niya sa loob lang umano ng labintatlong buwan - mula January 2020 hanggang February 2021.
Ipinost niya sa Facebook ang mga larawan ng properties na naipundar.
Ang isa raw sa anim na properties ay naibenta na niya noon lang buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon sa pamamagitan ng USDT cryptocurrency payment.
“From January 2020 to February 2021, nakapagpundar ako ng 6 properties. ‘Yung isa ay nabenta ko na last July via USDT cryptocurrency payment. Ang naiwan sa akin ay itong lima. Dalawang studio unit, isang overlooking lot sa Antipolo, isang loft type condo sa Makati CBD at isang dormitoryo sa Maynila,” post ng social media personality sa kanyang Facebook account.
| Image from Xian Gaza's Facebook acount |
Sa isang condo unit ay pinatira raw niya ang dalawa niyang kaanak at sa isa pang condo ay ang matalik na kaibigan at asawa’t anak nito ang pinatira niya. Ni piso raw ay walang ibinayad ang mga ito sa mga condo units na siya pa ang nagpa-renovate.
“Pinatira ko sa first picture ‘yung dalawang kapamilya ko for free. Sinagot ko ang renovation and fixtures.Sa ikalawang larawan naman eh pinatira ko 'yung bestfriend ko kasama ang kanyang asawa't anak. Wala silang binayaran maski piso. Sagot ko lahat,” sabi ni Xian na kailan lang ay naging kontrobersyal nang maglabas siya ng blind item tungkol sa dalawang celebrities na nagkahiwalay.
| Image from Xian Gaza's Facebook acount |
Ang lote naman na nabili niya sa Antipolo na may sukat na 375 square meters ay patatayuan niya ng bahay at pagkatapos ay ibebenta sa mataas na presyo.
Naka-jackpot daw siya sa nabili niyang 10-room dormitory sa Malate, Manila noong December last year sa halagang P14 million. Ibebenta raw niya iyon ng P24 million.
| Image from Xian Gaza's Facebook acount |
Patitirahin daw sana niya ang anak niyang babae at ang nanay nito at half-brother sa isang condo unit noong March pero nagbago ang isip niya.Ibebenta na lang daw niya iyon sa presyong P10 million.
“Tumatanggap ako ng cryptocurrency as payment, preferably BUSD (Binance US Dollar),” aniya.
COMMENTS