Planong pondohan ni Yorme ang local entertainment industry kung mananalo sa halalan.
| Composite photos of Mayor Isko Moreno and PH Film Industry poster |
Plano ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na bigyan ng nararapat na ayuda ang local entertainment industry upang makaya nitong makipagsabayan sa ibang bansa tulad ng ginagawa ng South Korea.
Kung papalaring siya ang magwagi bilang bagong lider ng bansa sa darating na halalan ay mamumuhunan umano siya sa nabanggit na industriya.
Naniniwala siya na kapag pinagbuhusan ng kapital ang entertainment industry, kabilang ang telebisyon, pelikula at ibang mga katulad nito, ay makatutulong iyon upang makagawa ng mga de-kalidad na pelikula at mga programa sa telebisyon.
| Image from Manila PIO |
Binanggit niya ang mga Korean telenobela at K-Pop. Aniya, kung tatahakin natin ang daang tinahak ng Korea kung saan gumagastos ito ng malaking halaga upang maisayos ang movie industry nito, tiyak umano na magagawa rin iyon ng Pilipinas.
Dalawampung taon daw ang ginugol ng South Korea upang ipakilala sa buong mundo ang kanilang kultura sa pamamagitan ng visual arts.
“If we can go on the same path where the Korean government spent so much money to develop their movie industry, I think we can do the same. It took them 20 years to introduce Korean culture through visual arts to the world, we can do it as well,” wika ni Yorme.
| Image from Medium |
Ayon pa sa presidential hopeful, ang tinatamong tagumpay ng K-Pop groups at korean TV shows at mga pelikula ay nakatutulong sa ekonomiya ng South Korea. Umaabot umano sa $10 billion ang ipinapasok ng mga ito sa bansa kada taon.
"Imagine how Korean culture is now ingrained globally. All because of their entertainment industry that is also contributing substantially to their economy,” aniya.
Upang matularan ang tagumpay ng South Korea, ang tanging paraan lang umano ay gugulan ito ng malaking pondo.
| Image from Peque Gallaga |
So, all we need to do as government is to really invest. Ang ganda, ganda ng CCP (Cultural Center of the Philippines). Ang ganda ng mga talents natin. Guwapo ang mga artista natin at talented silang lahat. In fact, we keep on winning in terms of talent,” ayon kay Yorme na binanggit pa si Lea Salonga at John Arcilla na tumanggap ng mga parangal sa international stage.
COMMENTS