Hihikayatin ni Yorme na bawasan ng mga Pinoy ang pagkain ng kanin.
| Image from Isko Moreno Domagoso's Facebook account |
Isa sa mga mithiin ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mabawasan ang pagkonsumo ng mga Pilipino sa kanin at mabawasan ang pag-angkat natin ng bigas mula sa ibang bansa.
Sabi ng alkalde, na kandidato ng Aksyon Demokratiko sa pagka-pangulo, kung sakaling siya ang palaring maging susunod na presidente ng bansa ay hihikayatin niya ang mga mamamayan na baguhin ang diyeta at kumain tulad ng mga Koreano at Hapones.
Ito ay upang maiwasan rin umano ang mga isyu sa kalusugan.
Aniya, ang bigas na nakokonsumo ng bawat Pilipino kada taon ay umaabot sa 130 kilos samantalang sa Korea at Japan ay nasa 50 kilos lang.
| Image from Korean Asian Kitchen |
“Nasa 130 kilos per capita ang konsumo ng Pilipino sa bigas. Sa Japan, sa Korea nasa mga 50 kilos lang. Sa kanila kapag kakain ng kanin konti lang kasi maraming gulay. Tayo baliktad. Dahil mahal ang ulam, mahal din ang gulay kaya gagawin ng tao para mabusog siya, kanin ang titirahin niya," " paliwanag ni Yorme.
At dahil malakas komunsumo ng kanin ang mga Pilipino ay napipilitang umangkat ng bigas ang ating bansa.
"If we change the habit of eating by providing more affordable vegetables… if we are going to lower the consumption of rice per capita, hindi natin kailangan mag-import nang mag-import,’ aniya.
| Image from Isko Moreno Domagoso's Facebook account |
Isa umano sa dahilan kung bakit malakas sa kanin ang mga Pinoy ay ang mataas na presyo ng ulam. Mahal sa pamilihan ang karne, isda at maging ang mga gulay.
Upang maging mas mababa ang presyo ng gulay ay mamumuhunan ang kanyang administrasyon sa farm technologies. Susuportahan din niya ang intercropping at diversification ng mga pananim sa mga bukirin.
| Image from Agriculture Monthly |
Panahon na raw upang yakapin ng mga magsasaka ang mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka.
Hindi raw sapat na bigyan lang ng traktora at pananim ang mga magsasaka. Dapat raw na pondohan ng pamahalaan ang makabagong teknolohiya sa pagtatanim na magagamit ng mga farmers upang maging produktibo ang kanilang mga sakahan.
COMMENTS