Isa siyang solo parent na labis ang pasasalamat sa oportunidad at sa talento bilang crochet artist.
Marami ang nawalan ng pagkakakitaan at trabaho sa panahon ng pandemya. Pero dahil tuloy ang buhay sa kabila ng mga pagsubok sa gitna ng pananalasa ng covid, sige lang ang karamihan sa atin. 'Ika nga, laban lang.
Ganyan ang kinaharap ng isang solo parent na si Mia. Determinasyon at pananampalataya ang pinanghawakan ng nanay na may dalawang anak.
Kamakailan lang ay nagpaskil siya ng isang 'grateful post' na naghahatid ng inspirasyon sa atin.
Aniya, "Ang lakas ko po sa Inyo (emojis) Di man ako pala simba at araw araw na nagpi-pray. Pero kapag lumapit ako sa inyo. Hindi Mo kami pinawawalang mag-iina."
Sa kanyang FB friends ay mayroon din siyang mensahe na magpapalakas sa mga pinanghihinaan ng loob.
"Ps. Kung unemployed ka man, tingin ka sa paligid mo mamaya nasa malapit lang pala yung sagot sa Financial problem mo, di mo lang napapansin kasi nakatuon ka sa mga bagay na hindi naman laan para sa 'yo."
Paglalahad niya, dati raw ay awang-awa siya sa kanyang sarili dahil sa kawalan ng trabaho tapos isa pa siyang single mom at walang suporta mula sa ama ng kanyang mga anak. Ngunit noong nagpandemic, bigla na lang niya umanong naisipang mag-crochet, at sinimulan niya ito sa paggawa ng earsavers na naging in-demand.
Sinubukan niya ang iba pang magagawa sa paggagantsilyo at ayan na nga...lumawak na ang kanyang imahinasyon, kaalaman at kahusayan.
Nakabuo siya ng mga creative pieces at nagawa niyang makapagsimula ng negosyong CJLA's Crochet Atbp. na hango sa pangalan ng kanyang mga anak.
"Until now. Crochet pa rin ang source of income ko, TAKE NOTE, ENOUGH siya, minsan sobra sobra pa (emojis) Pasalamat tayo sa skills and talent na meron tayo. Di yun ibibigay sa 'tin kung walang dahilan. God will always provide. ALWAYS."
Bukod sa mga Disney princesses at mga sikat na characters, gumagawa rin siya ng mga made-to-order na Minime Dolls na more or less ay 11 inches ang laki. Ilan sa kanyang mga obra ay naipa-courier na niya sa iba-ibang bansa ayon sa request ng mga nag-order.
Sa Facebook page ng CJLA's Crochet atbp ay matatagpuan ang kanyang mga nagawa na.
Mayroon na rin siyang Shopee store.
Nais mong makabili o magpasadya ng gawa? Order na!
COMMENTS