‘Heartbroken’-- ito ang naging paglalarawan ni Imee sa naramdaman ng pamilya Marcos matapos ang hindi pagsang-ayon ni PRRD sa tambalang Bongbong-Sara.
‘Hear
Ayon sa senadora,
na panganay na kapatid ni Bongbong, masakit para sa kanila ang narinig mula sa Pangulo
lalo pa’t hindi naman sila magkaaway sa pulitika.
"Frankly,
we were heartbroken by the almost violent reaction of the President," ani
Imee sa isang panayam kamakailan.
| Imahe mula sa PCOO |
Kung
matatandaan, inihayag ni Pangulong Duterte ang kaniyang pagtutol sa pakikipagtambalan ng
kaniyang anak kay Bongbong na inilarawan niyang isang ‘spoiled brat’ at ‘weak
leader’.
Dahil dito,
hindi umano siya bilib sa kakayahan ng anak ng yumaong Pangulong Ferdinand
Marcos.
| Imahe mula sa The New York Times |
“Of course he
can talk, he delivers English, ma-articulate… Pero sabihin mo may crisis
ganoon, he’s a weak leader, at saka may bagahe siya. ‘Yan sinasabi ko sa inyo,
totoo ‘yan,” dagdag pa ng presidente.
Si Senador Christopher ‘Bong’ Go ang itinutulak ni Duterte para lumaban sa pagka-pangulo matapos ideklara ni Mayor Sara na pagka-bise presidente ang kaniyang tatakbuhan.
| Imahe mula sa VOA News |
Kasunod naman
nito ang pag-anunsyo ni Go na aatras na siya sa presidential race dahil hindi
pa umano niya panahon bukod pa sa tutol ang sariling pamilya sa kaniyang naging
unang desisyon.
Si Senador Imee Marcos ay kilalang malapit kay Inday Sara at bago pa man ang filing ng COC ng mga kandidato ay ilang beses na ring napaulat na nagpunta sa Davao City para kausapin ang panganay na anak ni Pangulong Duterte.
COMMENTS