Dahil hindi na maaari ang substitution, wala umanong natitirang option ang PDP-Laban kung hindi ang mag-adopt na lamang ng isang kandidato.
Ganito ang
naging paliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring executive
vice president ng faction ng PDP-Laban na pinamumunuan ni nergy Secretary
Alfonso Cusi.
"Wala nang substitution number 1 so technically speaking dahil wala pong substitution, ang option namin is to adopt," ani Nograles sa naging panayam ng Headstart.
| Sec. Karlo Nograles| Screenshot mula sa Headstart video |
Tumanggi naman
si Nograles na kumpirmahin kung ang tandem nina dating senador Bongbong Marcos
at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanila nang susuporthan dahil na
rin sa pag-atras ni Senador Bong Go na standard-bearer sana ng kanilang
partido.
“Let’s wait for the statement ng PDP-Laban and the decision ng partido because we have not yet made that decision… kasi kailangan dumaan din sa proseso iyan,” ayon sa kalihim.
| Imahe mula sa Facebook| Bongbong Marcso for 2022 |
“Again ayaw kong
pangunahan ang PDP-Laban kasi mag-uusap pa kami, at magdedesisyon pa kami,” paliwanag
ng opisyal.
Matatandaang
nitong Martes, Nobyembre 30, ay pormal nang inanunsiyo ni Go ang kaniyang
pag-atras sa presidential race bunsod na rin umano ng pagtutol ng kaniyang pamilya
at mga kaanak.
BASAHIN: Hindi pa niya panahon: Sen. Bong Go umatras sa presidential race
"Napakahirap kung pasan-pasan mo habang nangangampanya ka ay nagre-resist ang pamilya mo, ang puso mo, ang isipan mo, paano ka makakapagkampanya nang mabuti? Kaya ang sabi ko marahil po ay hindi ko pa po panahon," ayon sa senador.
| Imahe mula sa Facebook| Bong Go |
Sa ngayon, pinag-uusapan
pa umano nila ng Pangulo kung sino ang kandidatong susuportahan nila basta
umano ito ay iyong magpapatuloy ng mga programang nasimulan ng kasalukuyang
administrasyon.
COMMENTS