Para kay Mariel, ang Pasko ay para talaga sa mga bata kaya't namili sila ng maraming laruan para makapagpasaya ng ilang bata.
Labis ang excitement ng host-actress na si Mariel Rodriguez-Padilla base sa kanyang ibinahaging Instagram post kamakailan. Sa wakas kasi ay nakagala na silang mag-iina sa mall matapos ang halos dalawang taon sa bahay bilang pag-iingat laban sa Covid-19 virus at iba pa.
Hindi rin napigilan ang tuwa ng 37-anyos na maybahay ng aktor na si Robin Padilla kaugnay sa kanilang bunsong si Gabriela na first time umanong makalabas at makapasyal sa mall. Dalawang taong gulang na ang kapatid ng 5-year-old namang si Maria Isabella. at naka-twinning pink ang dalawa nang mamasyal.
Tinawag ni Mariel na 'fun experience' ang makasama ang dalawa niyang anak lalo pa sa panahon ng kapaskuhan. Namili sila ng mga laruan kaya't tiyak ang saya ng mga bata.
Hiningi rin niya sa kanyang post ang tulong ng mga IG followers para sa mga pipiliing recipient ng mga pinamili nilang laruan. Para kasi kay Mariel, ang Pasko ay para talaga sa mga bata kaya't namili sila ng maraming laruan para makapagpasaya ng ilang bata. Umani ng pasasalamat at papuri ang kaniyang ginawa.
Aniya sa kanyang ibinahaging post, "Such a fun experience (heart emojis) also can you guys help us… because for me Christmas is really for kids so we bought toys to donate. We are looking for a kids charity. Any suggestions?"
Maraming tumugon sa kanyang panawagan kabilang na ang ilang personal requests:
"Gentle Hands Orphanage po Ms @marieltpadilla .. May Allah bless your Family "
"Can my little preemie warrior have one ms @marieltpadilla"
"@marieltpadilla white cross childrens home san juan city"
"Hi maam @marieltpadilla pwede po ba ako makahinge ng toys para sa aking tatlo anak.. eto po ang first time ko mag Christmas na wala sa kanla..7 months here in oman pero di pa din makaraos sa hirap ng buhay.. gusto ko lang sana maparamdam sa mga anak ko ang pasko kahit magkalayo kame. salamat po.. More blessings to u, to idol robin and to ur baby"
COMMENTS