Posibleng umabot na lang sa 500 o mas mababa pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw bago dumating ang araw ng Kapaskuhan.
Posibleng umabot na lang sa 500 o mas mababa pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw bago dumating ang araw ng Kapaskuhan, ayon sa OCTA Research Group.
Ito ay kung patuloy
umano ang magiging trend ng pagbaba ng COVID cases na naitatala bawat araw nitong
mga nagdaang linggo tulad nitong Martes, Nobyembre 30, na mayroon lamang naiulat
na nasa 425 panibagong kaso.
"Baka nga bumaba pa to less than 500 by Christmas. Sa Metro Manila, baka bumaba pa to less than 100 na lang. Kasi talagang parang nawawala na. Parang nag-vanishing act na lang 'yung Delta bigla," ani Dr. Guido David ng OCTA sa panayam ng TeleRadyo.
| Dr. Guido David, OCTA| Imahe mula sa PNA |
"Kung wala tayong banta ng Omicron, puwede na tayo magbaba sa Alert Level 1 kasi sobrang baba na ng bilang ng kaso natin. Parang nawawala na 'yung virus. Hindi tayo nagkakaroon ng spike ng cases kahit nagluwag na tayo," ayon pa kay Dr. David.
| Imahe mula sa Facebook| DOH |
Iwas na muna
sa Christmas party
Sa kabila nito, nagbabala pa rin ang isang infectious diseases expert sa publiko na iwasan na muna ang mga pagtitipon gaya ng Christmas party ngayong panahon ng Pasko.
Ito ay dahil na
rin sa banta ng Omicron variant na hanggang sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin
ng mga siyentipiko kung ito ba ay mas mapanganib sa Delta variant o hindi.
"We need
more information about the Omicron variant of concern. When we do activities
that increase our risk of getting the infection—one of that is the Omicron
variant—we have to be careful,” paliwanag ni Dr. Rontgene Solante, hepe ng
Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine unit ng San Lazaro Hospital.
Ayaw man umano
niyang maging ‘killjoy’, subalit mas makabubuti raw na iwasan na muna ang mga
party o pagtitipon ngayong Christmas season.
| Imahe mula sa Al Jazeera |
“That’s something that we don’t like to happen, especially us healthcare workers. Pagod na talaga kami and when we have a surge again, I don’t know what will happen to us," ayon pa kay Solante.
COMMENTS